2013 Pagbaha sa Apganistan at Pakistan
Noong Agosto 2013, ilang bahagi ng Apganistan at Pakistan ang nakaranas ng malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha. Mahigit 160 ang namatay sa pagbaha.[1]
Petsa | Agosto 2013 |
---|---|
Lugar | Apganistan , Pakistan |
Mga namatay | 160+ |
Ang Pakistan at Apganistan ay madalas na nakakaranas ng pagbaha sa panahon ng bagyo. Noong 2010, binaha ang Pakistan na ikinamatay ng 1,700 katao at nagdulot ito ng malawakang pagkasira sa komunidad.[2]
Pagbaha
baguhinSimula Hulyo 31, 2013, ilang parte ng Apganistan at Pakistan ang nakaranas ng malakas na pagbuhos ng ulan na naging sanhi ng malawakang pag baha sa lugar. Nagsimulang humupa ang baha noong Agosto 5, ngunit inaasahan ang marami pang malalakas na ulan sa darating na buwan ng Agosto at Setyembre.[2]
Mga Nasira at Nasalanta
baguhinApganistan
baguhinAng bulubunduking relhiyon sa silangan at timog-silangan ng Apganistan ang labis na naapektuhan. Sa pook na rural ng distrito ng Surobi kung saan 61 katao ang nasawi at 500 bahay na gawa sa putik ang nawasak at dose-dosenang kabahayan ang tinamaan ng baha. Ang probinsiya ng Khost at Nangarhar ay naapektuhan din ng pagbaha kung saan 50 kabahayan ang nasira at libo-libong ektarya ng pananim ang nasira. Dalawampu't-apat ang naiulat na nasawi sa lugar. Sa probinisya ng Nuristan, mahigit 60 kabahayan ang nasira sa talong distrito, ngunit walang naiulat na nasawi sa lugar.[1]
Pakistan
baguhinSa Pakistan, 80 katao ang nasawi ayon sa huling ulat noong Agosto 5 at 30 ang nasugatan.[1][2] Ang mga nasawi ay mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa at ang Karachi sa timog ang labis na naapektuhan. Sa hilagang-kanluran, labindalawa ang naiulat na namatay mula sa rehiyon ng mga tribu, walo mula sa probinsiya ng Khyber Pakhtunkhwa, at tatlo sa rehiyon ng Kashmir. Sa gitnang bahagi ng Pakistan, labindalawa ang nasawi sa probinsiya ng Punjab. Sa timog, walo ang naiulat na nasawi mula sa Sindh at sampu mula sa Baluchistan.[3] Sa ilang ilang bahagi ng Pakistan, mahigit 66,000 katao ang naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha.[2] Karamihan sa naiulat na nasawi ay dahil sa pagguho ng kabahayan at nakuryente mula sa mga poste. Sa Karachi, ang mahihirap na komunidad ay nakaranas ng gabeywang na pagbaha at malawakang pagkawala ng kuryente.[1] Drainage and sewage systems became blocked, leading to the streets being filled with water.[2]
Reaksiyon at tulong
baguhinAyon sa mga opisyal ng Apganistan, nahihirapan silang magpadala ng tulong sa ilang bahagi ng naapektuhan ng pagbaha dahil ilan sa mga daanan ay kontrolado ng mga Taliban.[1]
Sa Pakistan, pinadala ni Nawaz Sharif, Punong Ministro, ang tatlong miyembro ng gabinete sa mga naapektuhang lugar upang alamain ang kalagayan ng mga nasalanta. Sinisisi naman ni Muhammad Saeed Aleem ang pinuno ng National Disaster Management Authority ang pandaigdigang pagbabago ng panahon na naging sanhi ng pagbaha. Ayon sa mga opisyal ng Karachi tatagal pa ng dalawang araw bago bumababa ang tubig at magsimulang linisin ang naapektuhan nito.[2]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "160 killed and hundreds left stranded by flooding across Afghanistan and Pakistan". The Independent. Reuters. Agosto 5, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 9, 2019. Nakuha noong Agosto 5, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Pakistan floods 'leave 58 dead, 66,000 affected', says NDMA". The News International. AFP. Agosto 5, 2013. Nakuha noong Agosto 5, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pakistan floods death toll hits 53". Daily Express. Agosto 5, 2013. Nakuha noong Agosto 5, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)