5S
Ang 5S ay isang pamaraan ng isang organisasyon sa lugar ng trabaho na ginagamit ang limang salitang Hapon: seiri (整理), seiton (整頓), seisō (清掃), seiketsu (清潔), and shitsuke (躾). Sa wikang Ingles, sinasalin ito bilang "sort", "set in order", "shine", "standardize", at "sustain".[1] Sinasalin naman ito sa wikang Tagalog (o wikang Filipino) bilang "suriin", "sinupin", "simutin", "siguruhin ang kalinisan" at "sariling kusa".[2][3] Sinasalarawan ng mga salita kung papaano iorganisa o ayusin ang espasyo ng pinagtratrabahuan para sa kahusayan at pagiging epektibo sa pamamagitan ng pagtukoy at pag-imbak ng mga gamit na ginamait, pagpapanatili ng lugar at mga gamit, at pagpapanatili ng bagong sistemang pang-organisasyon. Kadalasang nanggagaling ang paggawa ng pasya mula sa pag-uusap tungkol sa pagsasapamantayan, na bumubuo ng pagkaunawa ng mga trabahador sa kung papaano sila dapat magtrabaho.
Sa ilang mga kuwadra, nagiging 6S ang 5s, na ang ikaanim na elemento ay safety[4] (o siguradong ligtas).
Maliban sa isang partikular na metolohiyang nakapag-iisa, madalas na nakikita ang 5S bilang isang elemento ng isang mas malawak na kayarian na tinatawag na biswal na kontrol,[5] biswal na lugar ng trabaho,[6] o biswal na pagawaan.[7][8] Sa ilalim nito (at katulad) na mga terminolohiya, nilalapat ng mga Kanluraning kompanya ang mga saligang konsepto ng 5S bago ang paglalathala, sa Ingles, ng pormal na kapamaraanang 5S. Halimbawa, lumabas sa isang aklat tungkol sa pagmamanapaktura at pamamahala noong 1986 ang isang litrato ng isang organisasyon sa lugar ng trabaho mula sa Tennant Company (isang taga-manapaktura sa Minneapolis).[9]
Mga pinagmulan
baguhinNabuo ang 5S sa bansang Hapon at natukoy bilang isa sa mga paraan na pinapagana ang Just in Time (Nasa Tamang Oras) na pagmamanapaktura.[10]
Umusbong ang dalawang pangunahing balangkas para sa pagkakaunawa at paglalapat ng 5S para sa mga situwasyon sa negosyo: ang isa ay minungkahi ni Takashi Osada, ang ang isa pa ay kay Hiroyuki Hirano.[11][12] Naibigay ni Hirano ang isang istraktura upang pagbutihin ang mga programa sa isang serye ng natutukoy na mga hakbang, na binubuo ang bawat isa sa hinalinhan nito.
Bago binuo ang paraan sa pamamahala na ito ng mga Hapon, namungkahi ang isang katulad na "pamamahalang siyentipiko" ni Alexey Gastev sa Gitnang Instituto ng Paggawa ng Unyong Sobyet (Ruso: Центральный институт труда o CIT) sa Moscow.[13]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "What Is 5S? - Sort, Set In Order, Shine, Standardize, Sustain" (sa wikang Ingles).
- ↑ "MEMORANDUM ORDER NO. 2016-009, SUBJECT: Policy Guidelines on Workplace Safety, Security and Housekeeping (WSSH) Program" (PDF). psalm.gov.ph (sa wikang Ingles). Power Sector Assets & Liabilities Management Corporation. 2016-08-05. Nakuha noong 2022-06-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "PVAO BULLETIN, VOLUME 14, ISSUE 2" (PDF). pvao.gov.ph (sa wikang Ingles). Philippine Veterans Affairs Office. Hunyo 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-07-07. Nakuha noong 2022-06-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gapp, R., Fisher, R., Kobayashi, K. 2008. Implementing 5S within a Japanese Context: An Integrated Management System, Management Decision. 46(4): 565-579. (sa Ingles)
- ↑ Ortiz, Chris A. and Park, Murry. 2010. Visual Controls: Applying Visual Management to the Factory. New York: Productivity Press. (sa Ingles)
- ↑ Galsworth, Gwendolyn D. 2005. Visual Workplace: Visual Thinking. Portland, Ore: Visual-Lean Enterprise Press. (sa Ingles)
- ↑ Greif, Michel. 1989. The Visual Factory: Building Participation through Shared Information. Cambridge, Massachusetts: Productivity Press. (sa Ingles)
- ↑ Hirano, Hiroyuki, ed. 1988. JIT Factory Revolution: A Pictorial Guide to Factory Design of the Future. Cambridge, Massachusetts: Productivity Press. (sa Ingles)
- ↑ Schonberger, Richard J. 1986. World Class Manufacturing: The Lessons of Simplicity Applied. New York: Free Press, p. 27. (sa Ingles)
- ↑ Hirano, Hiroyuki. 1988. JIT Factory Revolution: A Pictorial Guide to Factory Design of the Future. (sa Ingles)
- ↑ Hirano, Hiroyuki (1995). 5 Pillars of the Visual Workplace (sa wikang Ingles). Cambridge, Massachusetts: Productivity Press. ISBN 978-1-56327-047-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Osada, Takashi (1995). The 5S's: Five keys to a Total Quality Environment (sa wikang Ingles). US: Asian Productivity Organization. ISBN 978-9-28331-115-7. Nakuha noong Hulyo 26, 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Managing «modernity»: work, community, and authority in late-industrializing Japan and Russia, Rudra Sil, Publisher: Ann Arbor, Mich. : University of Michigan Press, 2002 (sa Ingles)