Itinatag ni Jordan Boesch ang 7shifts, isang kompyuter software para sa pamamahala ng mga manggagawa ng restoran upang makatulong sa pagtalaga ng mga tao, sahod, komunikasyon, at iba pang gawain sa pamamahala ng mga manggagawa ng restoran.[1] Matatagpuan ang kanilang punong-tanggapan sa Saskatoon, Saskatchewan, Canada, at may karagdagang opisina sa Toronto.[2]

7shifts
IndustriyaPangteknonohiya
Itinatag2014 (2014)
NagtatagJordan Boesch (Punong tagapamahala)
Punong-tanggapan,
Canada
Pangunahing tauhan
  • Jordan Boesch (Punong tagapamahala)
ProduktoKompyuter software para pamamahala ng mga manggagawa ng restoran
Dami ng empleyado
425
Website7shifts.com

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ni Jordan Boesch ang 7shifts noong 2014 matapos makita ang mga paghihirap na dinaanan ng kanyang ama sa pamamahala ng mga restoran niya sa Quiznos.[3] Pribadong itong pinondohan at naitayo na may pitong empleyado sa Regina, Saskatchewan.[4] Noong 2017, nakakuha ang 7shifts ng tatlong milyon at limang daang libo na dolyar na nagpabilis ng paglago nito.[5]

Pagsapit ng 2024, may higit sa apat na raan at dalawampu't limang empleyado na ang 7shifts. Upang mapagkasya ang mga karagdagang manggagawa, inilipat ang punong-tanggapan sa Nutrien Tower sa Saskatoon.[6] Sa parehong taon, may isang milyon na tao at mahigit limampung libong na restoran na gumagamit ng kompyuter software.[1]

Pagpopondo at Paglago

baguhin

Simula nang itatag ang 7shifts, nakalikom ito ng higit sa isang daan at limampung libo na dolyar mula sa iba’t ibang mga mamumuhunan. Nakalikom ang kumpanya ng isang milyon at dalawampung libo na dolyar sa kaganapang pagpopondo na pinangunahan ng Relay Ventures, kasama ang Globalive Capital, Boost VC, at Tim Draper.[7] Ginamit ang pondo upang madagdagan ng kumpanya ang kanilang koponan ng manggagawang tagabenta at ang mga bagong paggamit sa kompyuter software.

Noong Enero 2019, nakalikom ang 7shifts ng sampung milyon na dolyar sa isang Seryo A na kaganapang pagpopondo na pinangunahan ng Napier Park Financial Partners, kasama ang Teamworthy Ventures, Relay Ventures, at dating punong tagamagmahala ng Snagajob na si Peter Harrison.[8]

Noong Mayo 2021, nakalikom ang 7shifts ng dalampu’t isang milyon at limang daang libo na dolyar sa isang Seryo B na kaganapang pagpopondo na pinangunahan ng Enlightened Hospitality Investments ni Danny Meyer, na lalong nagpabilis ng paglago ng kumpanya.[9]

Noong Pebrero 2022, nakakuha ang kumpanya ng walumpung milyon na dolyar sa isang Seryo C na kaganapang pagpopondo na pinangunahan ng SoftBank Vision Fund 2, kasama ang Ten Coves Capital at Enlightened Hospitality Investments.[2] Ginamit ang pondo upang doblehin ang bilang ng kanilang mga manggagawa at palawakin ang kanilang mga inaalok na produkto.

Tulad ng maraming kumpanya, humarap ang 7shifts ng mga hamon dulot sa nagbabagong kalagayan ng ekonomiya sanhi ng COVID-19. Noong huling bahagi ng 2023 at unang bahagi ng 2024, kinailangan nitong magtanggal ng mga empleyado upang mairaos ang operasyon.[10]

Pagtanggap at Paggamit

baguhin

Malawak na tinanggap ng mga iba’t-ibang uri ng restoran ang 7shifts. Kasalukuyan itong ginagamit ng higit sa limampung libo na restoran[1], kasama na ang ilang kilalang kumpanya tulad ng Bareburger, Smoke's Poutinerie, at Yogurtland.

Nakapagsosyo rin ang 7shifts sa iba pang mga kumpanya sa industriyang pangteknonohiya tulad ng MarginEdge upang mapalago pa ang paggamit ng software.[11]

Mga Parangal

baguhin

Noong 2020, nabibilang ang 7shifts sa mga kumpanyang mapang-alaga sa kalusugang pangkaisipan ng Great Place to Work dulot sa pagkilala ng mga pagsisikap ng kumpanya na maging isang positibong tanggapan para sa mga empleyado nito.[12]

Talasanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Walchef, Shawn (Hulyo 16, 2024). "Hospitality platform 7shifts secures $101.6 million CAD to increase staffing, product development". Entrepreneur.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Mandel, Charles (Pebrero 10, 2022). "Hospitality platform 7shifts secures $101.6 million CAD to increase staffing, product development". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. CBC News (Enero 28, 2016). "Saskatoon tech company makes waves in restaurant world". CBC.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Saskatoon StarPhoenix (Agosto 5, 2015). "7shifts launches office in Saskatoon". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Funding Snapshot: 7shifts Secures $3.5 Million to Automate Restaurant Employee Scheduling". The Wall Street Journal. Agosto 30, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Alcaraz, Charlize (Oktubre 22, 2021). "7shifts moves HQ to Nutrien Tower for its post-COVID workforce". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Galang, Jessica (Mayo 26, 2016). "7shifts raises $1.2 million seed round to grow sales team". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kirkwood, Isabelle (Enero 25, 2019). "7shifts closes $10 million series A round to bring automation, compliance to restaurant management". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Guszkowski, Joe (Mayo 25, 2021). "7shifts raises $21.5M in round led by Danny Meyer". Restaurant Business.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Scott, Josh (Enero 19, 2024). "7shifts cuts 19 percent of staff in new layoffs to start 2024". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Wilson, Jim (Hunyo 3, 2020). "MarginEdge, 7shifts Announce Integration". Hospitality Technology.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Medtronic Canada, 7shifts among best workplaces for mental health". Canadian HR Reporter. Mayo 17, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)