ABBA
Ang ABBA ay isang Suwekong pangkat na bandang pang-musikang pop na nagkaroon ng mararaming naging tanyag na awitin at musika noong dekada ng 1970 at maagang bahagi ng dekada ng 1980. Nabuo ito sa Suwesya noong Nobyembre 1970. Binubuo ang banda nina Anni-Frid Lyngstad (Frida), Björn Ulvaeus, Benny Andersson and Agnetha Fältskog. Nasa itaas ng talangguhitang pangmusika sa buong mundo ang kanilang mga kanta mula 1972 hanggang 1982. Nagmula ang pangalan "ABBA" mula sa unang titik ng bawat titik ng mga unang pangalan ng kasapi ng banda: sina Agnetha Fältskog, Björn Ulvaeus, Benny Andersson, at Anni-Frid Lyngstad. Naging opisyal na pangalan ng banda ang ABBA noong bandang huling bahagi ng 1973.[1] Opisyal na ipinakilala ang tatak ng banda ang "ABBA" na may nakabaligtad na unang "B", kaya't ang kaliwa at kanang mga hati ng pangalan ay mga larawan, repleksiyon, o "salamin" ng bawat isa.
Naging napakatanyag ng ABBA pagkaraang magwagi sila sa Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision noong 1974. Kabilang sa kanilang mga naging awitin ang "Dancing Queen", "SOS", "Mamma Mia", at "Waterloo". Karamihan sa kanilang mga kanta ang isinulat nina Björn Ulvaeus at Benny Andersson.
Naghiwalay ang banda noong 1983, subalit nananatiling bantog ang kanilang tugtugin. Lumitaw ang kanilang musika sa mga pelikula, kabilang na sa mga pelikulang Australyanong The Adventures of Priscilla, Queen of the Desert at Muriel's Wedding); pati na sa musikal na palabas na Mamma Mia!.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Talambuhay ng ABBA, pahina 2". www.abbasite.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-16. Nakuha noong 2008-01-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Suwesya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.