A Goofy Movie
Ang A Goofy Movie (o "Isang Nakakatawang Pelikula" kapag isinalin) ay isang palabas na animasyon na nalikha sa Estados Unidos na pangkatatawanan. Tungkol ito sa mag-amang sina Goofy at Max.
A Goofy Movie | |
---|---|
Direktor | Kevin Lima |
Prinodyus | Dan Rounds |
Sumulat | Jymn Magon Chris Matheson Brian Pimental |
Itinatampok sina | Bill Farmer Jason Marsden Rob Paulsen Jim Cummings Kellie Martin Pauly Shore |
Musika | Carter Burwell |
In-edit ni | Gregory Perler |
Tagapamahagi | Walt Disney Pictures Buena Vista Pictures |
Inilabas noong | Estados Unidos: 7 Abril 1995 |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Kita | $35,348,597[1] |
Buod
baguhinHuling araw na sa hayskul ni Max na may planong ligawan ang naiibagan na si Roxanne at tangalin ang pagiging Goof; si Max at dalawa pang kaibigan na sina PJ at Bobby ay umagaw eksena sa oditoryum ng iskwela habang ang punong guro ay nagsasalita. Gumawa ito ng maikling konserto habang si Max ay nakadamit na Powerline (ang tauhang ito ay binase kay Michael Jackson), isang sikat na mang-aawit na pop superstar. Dahil sa pangyayari, sumikat si Max sa kampus pero ipinadala sila sa opis ng punong guro.
Dahil sa pangyayari, tinawagan ng punong guro si Goofy at sinabing nagsuot daw si Max ng pang gangster at lumikha ng kaguluhan sa kampus habang si Max at Roxanne ay nag-uusap tungkol sa parti na gagawin at silang pareho ay pumayag sapagkat pupunta sila sa konserto ni Powerline.
Nagsimula na ang mag-amang magsaya pero di katulad ng inaasahan ni Goofy.
Napahiya si Max sa isang parke; nagpatuloy na ang mag-ama. Sa daan, nakatagpo sila ng Big Foot at kamuntikan nang masawi. Nakapasok kaagad sila sa kotse nila. Sa kotse, binago ni Max ang direksiyon patungong Los Angeles; nalaman ito ni Goofy nung sinabi ni Pete na narinig niya si Max at si PJ nag-uusap tungkol dito.
Nakarating sila sa isang tulay kung saan ang kaliwa sa Los Angeles at kanan sa Idaho. Sa nerbyos pinili ni Max ang kaliwa kaya nagalit si Goofy. Nag patuloy silang mag-ama na nakalimutan ni Goofy ilagay ang preno ng kotse at sa kamalian ay nalaglag sila sa talon. Nakaligtas ang mag-ama.
Nakarating na sila sa Los Angeles, at di sinasadya nagkahiwalay. Si Goofy ay napunta sa stage habang si Powerline ay nagkokonserto. Si Max naman ay hinahabol ng tagabantay at di sinasadyang mahulog sa mismong gitna nina Goofy at Powerline. Sumayaw ang tatlo habang si Roxanne, PJ, Pete at ang iba pang tauhan ay nanonood sa iba't ibang telebisyon. Kinabukasan ng makauwi ang mag-ama, bumisita sila kay Roxanne. Dito sinabi ni Max na nagsinungaling siya halos sa lahat ng sinabi niya kay Roxanne. Naghalikan ang dalawa pagkatapos magpatawaran. Sumabong ang kotse ni Goofy at siya lumipad patungo ng bahay ni Roxanne at ipinakilala siya ni Max.
Dito nagtapos ang palabas.
Pagtangkilik
baguhinAng pelikulang ito ay tinangkilik din at naging medyo-tanyag. Ito rin ay ninomina bilang "Best Animated Feature" sa kategoryang produksiyon at "Best Production Design", "Best Storyboarding", "Best Music", at "Best Animation" sa indibidual na kaurian sa ika-23 Gantimpalaan ng Annie (23rd Annie Awards). Ang total na kita nito sa Estados Unidos pelikulaan (Box Office) ay $35,348,597.
Talababa
baguhin- ↑ "Archive copy". Box Office Mojo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-01. Nakuha noong 2007-09-09.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong); Unknown parameter|name=
ignored (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)