Aaron Copland
Si Aaron Copland[1] (14 Nobyembre 1900 – 2 Disyembre 1990) ay isang mahalagang Amerikanong kompositor para sa mga konsiyerto at musikang pampelikula. Isa rin siyang piyanista. Isa siya sa mga lumikha ng tugtuging maitatangi bilang Amerikano ang estilo ng komposisyon, kaya't tinagurian siyang "dean o kura[2] ng mga Amerikanong kompositor," sapagkat gumagamit siya ng mga tema at teknikong hinango mula sa mga tugtuging-bayan at jazz.[1] Nakamit ng tugtugin ni Copland ang isang mahirap na timbang sa pagitan ng makabagong musika at estilong pang-kaugaliang-bayan (folk music) ng Estados Unidos. Sinasabi rin na "nakapanghihimok" ng mga "lupaing-tanawing Amerikano" ang marami sa kaniyang mga gawa na may katangiang bukas, mabagal, at nagbabagong mga tugunan o harmoniya. Sinanib niya sa orkestrasyon ang instrumentong perkusyon, mga pabagu-bagong metrong pang-musika, poliritmo (maraming ritmo), polikuwerdas, at kahanayan ng mga tono. Bukod sa pagsulat ng musika, nagturo rin si Copland, nagbigay ng mga panayam kaugnay ng musika, nagsulat ng mga aklat at mga lathalain, at nagsilbi din bilang isang konduktor ng tugtugin para, ngunit hindi palagi, sa kaniyang mga sariling akda.
Aaron Copland | |
---|---|
Kapanganakan | 14 Nobyembre 1900 New York City, U.S. |
Kamatayan | 2 Disyembre 1990 | (edad 90)
Trabaho |
|
Pirma | |
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Patrick O'Donovan; Marcus Cunliffe; Alain Clément; Massimo Salvadori; Sigmund Skard; Peter von Zahn; Max Warren; Herbert von Borch; Raymond Aron (1965). "Aaron Coplan". The United States, Life World Library. Time-Life Books, Bagong York.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dean," kura Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.