Ang abasia ay isang kalagayan ng isang pasyenteng hindi makalakad bagaman nananatili ang kanyang lakas ng masel at may pandama o sensasyon pa rin sa mga binti. Hindi makatayo ang mga pasyente ngunit naigagalaw nila ang kanilang mga paa at hita habang nakahiga sa kama. Isa itong uri ng pangtungkulin o punksiyonal na pagkabaliw o neurosis at bumubuo sa isang pangkat ng mga sintomas o tanda ng karamdaman.[1]

Paglalarawan

baguhin

Inilarawan ni Paul-Oscar Blocq (1860-1896), isang manggagamot mula sa Pransiya, ang abasia abasia bilang pagkawala ng kapangyarihang makatayo o makalakad dahil sa abulia, isang karamdamang kilala rin sa tawag na karamdaman ni Blocq o astasia-abasia (bukod sa abulia, maaari ring tumukoy ang karamdaman ni Blocq sa abasia lang). Ayon pa rin kay Blocq, isang uri ng histerya ang abasia na hindi angkop sa kaaya-aya o walang kaayusang kalagayan ng pag-iisip na may kataliwasan sa (a) integridad ng sensasyon, (b) lakas ng masel, at (c) koordinasyon ng iba pang mga galaw ng pang-ibabang mga sanga ng katawan (paa at binti) ang pagkakaroon ng imposibleng pagtayo o pagtindig ng matuwid at normal na paglalakad ng pasyente.[1]

Pagkaraang mapag-alamang may kalagayang abasia ang pasyente, at nalamang walang karamdamang organiko ang may-sakit, gumagamit na ng mga sumusunod na kaparaanan sa panggagamot ang manggagamot:[1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Abasia". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1. Batay naman sa iba pang mga manggagamot, napansin nilang bumabaluktok ang mga paa ng mga may-sakit na tila parang kasinglambot ng mga "bulak".

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.