Pangingiling seksuwal

(Idinirekta mula sa Abstinensiyang seksuwal)

Ang pangingiling pangseks o abstinensiyang seksuwal (Ingles: sexual abstinence) ay ang gawain ng pagpigil ng sarili mula sa ilan o lahat ng mga aspeto o anyo ng gawaing pampagtatalik dahil sa mga kadahilanang pampanggagamot, pangsikolohiya, pambatas, panlipunan, pampilosopiya, o panrelihiyon. Kabilang sa karaniwang mga dahilan ng pagsasagawa ng pangingiling seksuwal ang mga sumusunod:

  • hindi mabuting kalusugan - selibasyang medikal, buhay na walang asawa o hindi pagkakaroon ng pakikipag-ugnayang pampagtatalik dahil sa panggagamot;
  • mga kadahilanang materyal upang maiwasan ang paglilihi - hindi ginustong pagbubuntis - o mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik;
  • mga kadahilanang sikososyolohikal (halimbawa na ang depresyong klinikal, diperensiya ng pangangamba sa pakikipagkapwa, tumataas na testosterona sa kalalakihan, negatibong mga karanasan mula sa nakaraan);
  • mga kaatasang pambatas na nangangailangan ng pag-alinsunod (kompormidad; kinabibilangan din ng mga kinakailangan para sa hindi nakabilanggong may-sala sa pakikipagtalik);
  • mga dahilang pampangyayari na katulad ng inkarserasyon (pagkakapiit) o pagkakabukod (pagkakalayo) na pangheograpiya;
  • pagtuon sa ibang mga bagay-bagay - sublimasyon (pagpapangingimbabaw);
  • kawalan ng kakayanang makahanp ng isang naaangkop na katambal na pampagtatalik - selibasyang imboluntaryo o kawalan ng pakikipag-ugnayan na hindi kinukusa (hindi sinasadya);
  • mga kadahilanang pampananampalataya o pampilosopiya; o,
  • pagiging hindi handang pangkatawan o pangdamdamin.


SeksuwalidadSikolohiyaSosyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad, Sikolohiya at Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.