Acromion
Ang acromion (mula sa Griyego: akros, "pinakamataas", ōmos, "balikat", anyong pangmaramihan: acromia) ay ang ituktok ng balikat at isang mabutong usli mula sa talim ng balikat na kung tawagin ay scapula o paypay. Sa kung minsan, napipinsala ito ng pagkahulog sa ibabaw ng dulo ng balikat, subalit sa kadalasan ang puwersa ay dumaraan dito papunta sa butong panliig (buto ng kuwelyo o clavicle) na nakadikit sa acromion, kung kaya't madalas na nababalian. Sa pagkabali ng proseso ng acromion, mayroong tiyak na pagbaba ng dulo ng balikat, may pananakit na nararamdaman ang pasyente, at hindi maigalaw na palabas ng nasabing pasyente ang kaniyang bisig. Nakabitin ang napinsalang braso na walang lakas, at ang pasyente ay madalas na inaalalayan ito sa pamamagitan ng kabila niyang kamay. Kapag itinaas ng manggagamot ang siko at paiikutin ang bisig, isang tunog na nababasag o humahaginit ang naririnig, na tinatawag sa Ingles bilang bony crepitus (mabutong pagkaskas). Ang lunas ay kinasasangkutan ng pagtataas ng siko at pagbebenda ng bisig papunta sa tagiliran.[1]
Acromion | |
---|---|
Latin | Acromion |
Gray's | p.203 |
TA | Padron:TA98 |
FMA | FMA:23260 |
Mga katawagang pang-anatomiya ng buto |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Acromion". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 15.