Acta Apostolicae Sedis
Ang Acta Apostolicae Sedis (Latin ng "Mga Batas ng Sede Apostolika"), karaniwang tinutukoy na AAS, ay ang gaseta opisyal ng Santa Sede, na lumalabas labindalawang ulit sa isang taon.[1] Itinatag ito sa pamamagitan ng dekreto ni Papa Pio X na Promulgandi Pontificias Constitutiones noong Setyembre 29, 1908, at sinimulang ilathala noong Enero 1909.[1] Nilalaman nito ang lahat ng mga punong dekreto, liham ensiklikal, kapasiyahan ng kongregasyong sa Roma, at mga pabatid ng mga eklesyastikal na paghirang.[2] Ang mga batas na nakapaloob dito ay tinuturing na naipahayag na kapag nailathala, at magkakabisa tatlong buwan mula sa araw ng paglathala, maliban na lang kung may maikli o mahabang panahon ang malinaw na itinakda sa batas.[2][3][4]
Uri | Gaseta opisyal |
---|---|
Tagapaglimbag | Lungsod ng Vaticano |
Itinatag | 29 Setyembre 1908 |
Wika | Italyano |
Himpilan | Lungsod ng Vaticano |
Pinalitan nito ang isang katulad na lathalain na umiral mula pa noong 1865 na may titulong Acta Sanctae Sedis. Bagaman hindi binalak na maging opisyal na pahayagan ng mga batas ng Santa Sede, dineklara ito noong Mayo 23, 1904 na maging pahayagan ng Santa Sede kung saan ang lahat na ilalathala rito ay kikilalaning "tunay at opisyal".[5] Gaya ng nakasaad sa itaas, nahinto ang paglathala ng Acta Sanctae Sedis makaraan ng apat na taon.
Ang Acta Apostolicae Sedis ay nilalathala sa wikang Latin.
Mula 1929, ang Acta Apostolicae Sedis ay may karagdagang suplemento sa Italyano, na tinawag na Supplemento per le leggi e disposizioni dello Stato della Città del Vaticano, na naglalaman ng mga batas at regulasyon ng Lungsod ng Vaticano, ang lungsod-estadong naitatag noong taon na iyon. Alinsunod sa talaga 2 ng Legge sulle fonti del diritto noong Hunyo 7, 1929,[6] ang mga batas ng estado ay ipapahayag sa naturang suplemento.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Acta Apostolicae Sedis". Oxford Dictionary of the Christian Church. Oxford: Oxford University Press. 2005. ISBN 978-0-19-280290-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Catholic Culture". Modern Catholic Dictionary.
- ↑ "Canon 9". Code of Canon Law. 1917.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Canon 8". Code of Canon Law. 1983.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Herbermann, Charles, pat. (1913). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) . - ↑ "Leggi sulle fonti del diritto" [Read about the sources of law] (sa wikang Italyano). The Vatican. Oktubre 1, 2008. Art. 1, (item) 2.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)