ADBOARD (Advertising Board of the Philippines)

Ang Advertising Board of the Philippines, mas kilala bilang Adboard, ay binubuo ng iba't ibang organisasyong pambansa na kasapi sa industriya ng advertising.

Ang Adboard, mula noong ito'y nabuo noong 1973, ay kilala bilang Philippine Board of Advertising. Noong Agosto 1989 lamang nabago ang pangalan nito sa Advertising Board of the Philippines (Adboard).

Ang Adboard ay ang boses ng advertising sa Pilipinas. Ito ang pulso ng isang dinamiko, sagana, at responsableng industriya. Tinatanggap ng Adboard na ang prinsipiyo ng pansariling regulasyon o self-regulation ay ang pundasyon ng kanilang pagkabuhay o eksistensiya. Kanilang pinangangatawanan ang pinaka-mataas na pamantayan ng patas na paggunita at mga propesyonal na pakikipagsapalaran. Kanila ring pinalalawig ang pagkakasundo sa pagitan ng kanilang mga miyembro, pinangangalagaan ang interes ng kanilang mga konsyumer sa pamamagitan ng makatotohanan at responsableng pag-a-advertise, at kanilang binubuo ang isang kapaligiran kung saan mamumunga ang advertising na world class.

Mga miyembro ng Adboard

baguhin

Ang mga sumusunod ay ang mga pambansang organisasyon na kasalukuyang bumubuo sa Adboard: Association of Accredited Advertising Agencies-Philippines (4AsP) Advertising Suppliers Association of the Philippines (ASAP) Cinema Advertising Association (CAAP) Independent Blocktimers Association of the Philippines (IBA) Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Marketing & Opinion Research Society of the Philippines (MORES) Outdoor Advertising Association of the Philippines (OAAP) Philippine Association of National Advertisers (PANA) United Print Media Group (UPMG)

Mga sanggunian

baguhin
  • Standards of Trade Practices and Conduct in the Advertising Industry, 2006, 19 March 2011.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.