Hiperseksuwalidad
Ang hiperseksuwalidad (literal na "labis na seksuwalidad") o pagkalulong sa pakikipagtalik ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng masidhing kagustuhang makiisa at magsakatuparan ng mga gawaing may kaugnayan sa pakikipagtalik at mga galaw na seksuwal, na nasa antas na sapat na maituturing na isang karamdamang pangkaasalan na nangangailangan ng panggagamot o pagtatama.
Diwa
baguhinPinapalitan ng konsepto ng hiperseksuwalidad ang mas lumang mga diwa ng nimpomanya (o furor uterinus) at satiryasis (binabaybay na satyriasis sa Ingles). Tumutukoy ang nimpomanya sa sikolohikal na kagusutang pampag-iisip ng isang babae na kinasasangkutan ng labis na kalibugan ng babae o pagkakaroon ng masidhing pagnanais ng isang babae na makipagtalik sa isang lalaki[1], na may labis na masiglang libido at kapansanang obsesyon upang makipagtalik. Sa mga kalalakihan, tinatawag ang ganitong kalagayan bilang satiryasis, ang hindi mapigil o sobrang kalibugan ng lalaki[1] (may kaugnayang pang-etimolohiya mula sa mga salitang "nimpa" at "satiro"). Hindi na nakatala bilang espesipikong mga kagusutang pampag-iisip ang nimpomanya at satiryasis sa DSM-IV, bagaman bahagi pa rin sila ng ICD-10.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Sikolohiya at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.