Ang aerobiyolohiya (mula sa Griyego ἀήρ, aēr, "hangin"; βίος, bios, "buhay"; at -λογία, -logia) ay isang sangay ng biyolohiya na pinag-aaralan ang mga organikong kapurit, katulad ng mga bakterya, esporang halamang-singaw, napakaliit na kulisap, mga butil ng pole, at mga bayrus, na balintiyak na naglalakbay sa pamamagitan ng hangin (Spieksma, 1991). Tradisyunal na nasasangkot ang mga aerobiyologo sa pagsukat at pag-ulat ng mga pole na naglalakbay sa hangin at mga esporang halamang-singaw bilang isang paglilingkod sa mga nagdurusa sa alerhiya (Larsson, 1993).


Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.