Agapito Flores
Si Agapito G. Flores ay isang Pilipinong imbentor na inakalang[1] o napagkamalang[2] bumuo ng imbudo ng fluorescent light tube.
Siya ay ipinanganak sa Guiguinto, Bulacan noong 28 Setyembre 1897. Siya ay nagmula rin sa angkan ng mahihirap.
Dahil sa kahirapan, hindi natapos ni Flores ang kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan. Namasukan siya sa isang talyer, kahit na mahirap lamang siya ay may mataas na pangarap. Nagtungo siya sa siyudad at nanirahan sa Tondo, Maynila. Nag-aral siya ng elektrisyan sa isang paaralang pambokasyonal. Makalipas ang isang buwan, siya ay namasukan.
Si Agapito Flores ay namatay noong 1943.
Panlabas na kawing
baguhin- "AGAPITO" Naka-arkibo 2007-04-28 sa Wayback Machine.
- Ang kontrobersiyang nakapaligid kay Agapito Flores[patay na link]
- [1] Naka-arkibo 2019-10-02 sa Wayback Machine. Agapito Flores and his Fluorescent controversy
- ↑ https://gineersnow.com/engineering/electrical/theres-no-truth-agapito-flores-inventor-fluorescent-lamp[patay na link] There’s No Truth in Agapito Flores Being the Inventor of the Fluorescent Lamp
- ↑ https://www.thoughtco.com/agapito-flores-background-1991702 Who Is Agapito Flores?