Agham pangkapaligiran
Ang agham pangkapaligiran ay isang agham ng mga pisikal, kimikal, at biyohikal na kalagayan ng kapaligiran at ang epekto nito sa mga organismo
Umaasa ito sa iba pang likas na agham. Ginagamit ang pisika upang pag-aralan ang paglipat ng enerhiya para mabawasan ang polusyon. Ginagamit ang kimika upang malaman ang mga prosesong kimikal ng mga substance na kasangkot sa produksiyon. Umaasa din ang agham pangkapaligiran sa biyolohiya at ekolohiya. Ang mga agham panlipunan at ekonomiya ang pangunahing taga-ambag sa larangang ito na maraming kaparaanan ang pagkakabit-kabit ng mga tao at ang kanilang likas na kapaligiran.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.