Agimat
Ang agimat, na kilala rin bilang anting o anting-anting, ay isang mutya o alindog.[1] Ang anting-anting ay isa ring sistemang Pilipino ng mahika at pangkukulam na may espesyal na paggamit ng mga nabanggit na mutya, anting-anting, at anting-anting. Kinabibilangan sa mga iba pang karaniwang salita para sa agimat ang bertud at galing.
Bahagi ito ng mas malawak na tradisyon ng Timog-Silangang Asya ng mga panliping alahas – "gantung" (nangangahulugang "nakabitin") sa Indones/Malay at "anting-anting " (nangangahulugang "palawit ng tainga") sa Habanes.
Paglalarawan
baguhinSa tradisyon ng okultiko ng Pilipinas, karaniwang may kaukulang agimat upang makitungo sa isang partikular na bahagi ng buhay ng isang tao. Ginagamit ang mga pinakamadalas na uri ng agimat para sa pagtitiwalag ng mga kulam at eksorsismo ng mga masasamang espiritu. Nagsisilbi ang isang agimat na tinawag ding gayuma bilang isang alindog ng pag-ibig na ginagawang mas kaakit-akit ang may-ari sa magkaibang kasarian. Bagaman estereotipado bilang isang krus, isang patag, bilog o tatsulok na gintong palawit na kasama ng isang kuwintas o isang mala-kuwintas na bagay, inilalarawan din ito bilang isang nagayumang bato na nagmula sa kalangitan o isang pangil na iniwan ng kidlat o kahit isang patak ng likido mula sa puso ng punong saging sa hatinggabi (mutya). Kaugnay sa huli, kadalasang nilulunok ito. Karaniwang sinasamahan ang agimat ng isang maliit na aklat ng mga bulong pansalamangka na dapat basahin sa Biyernes Santo o sa isang espesyal na petsa upang makamit ang buong kapangyarihan at benepisyo ng anting-anting. Ang agimat ay maaari ring nasa anyo ng damit na may mahiwagang salita na nakakintal sa mga ito, o kahit na sa anyo ng mga makakaing mahiwagang putik.
Maaari ring makamit ang agimat sa pamamagitan ng pagkuha ng likido na pinatulo mula sa isang nahukay na katawan ng di-nabinyagang bata o ipinalaglag na namumuong sanggol o mag-alok ng pagkain at inumin sa mga espiritu sa isang sementeryo sa hatinggabi ng Miyerkules Santo o Huwebes Santo. Karamihan sa mga anting-anting ay mayroong mga inskripsyong Latin. Tulad ng mga nasa distrito ng Quiapo sa Maynila, malapit sa mga simbahan ang karamihan sa mga negosyante ng agimat (maaari na nasa patyo nito o sa palengke na malapit lamang) Nagsuot ang mga manlalaban ng kalayaan ng Pilipino ng anting-anting habang lumalaban sa mga Kastila at Amerikano. Nagsuot si Macario Sakay, isang bayaning Pilipino, ng isang tsaleko na may mga imaheng relihiyoso at mga parirala sa Latin upang protektahan siya mula sa mga bala. Binigyan ang dating Pangulong Ferdinand Marcos ng anting-anting ni Gregorio Aglipay na diumano’y maging dihataw si Marcos.[2] Sinabi ni Marcos na ang agimat na iyon ay isang salubsob ng kahoy na ipinasok sa kanyang likuran bago ang kampanya ng Bataan noong 1942.
Ang pinakaunang mga ulat ng anting-anting ay mula sa mga tala ng mga Kastilang pari sa maagang panahong kolonyal. Tinukoy ni Pardo de Tavera ang anting-anting bilang "isang mutyang may kahima-himalang kapangyarihan na nakakaligtas ng buhay." Sa Kristiyanisasyon ng Pilipinas, ikinamkam ng anting-anting ang mga anyo ng bagong relihiyon, at isinama rin ang mga esoterikong simbolo ng Masonriya. Mayroong Islamikong bersyon ng anting-anting sa mga Muslim na timugang isla. Sa mga pelikulang Pilipino, nakakakuha ang tagasuot ng agimat ng kakaibang kalakasan, kaditahawan, mas malakas na pandama, sarilunas, at mga kapangyarihang elemental. Gamit nito, maaari ring pumana ng kidlat gamit ang kamay, o makalikha ng kuryente sa buong katawan ng tao. Maaari ring magsagawa ang tao ng telekinesis, itigil ang balang lumilipad, magkaroon ng salagimsim, kaditawhan, paglilipad, kakayahang magbagong-anyo, pagbabalatkayo tulad ng isang hunyango, maaaring magkaroon ng maswerteng kapalaran, maging di-magagapi, o magpagaling na parang milagro. Sa kanyang mga pelikulang Pilipino, ang aktor na si Ramon Revilla, Sr., bilang Nardong Putik, ay inilarawan na protektado sa mga bala at hiwa, basta kumain siya ng espesyal na putik.[3]
Mga subtipo
baguhinMaaaring uriin pa ang agimat sa mga iba't ibang klase ayon sa kanilang napahiwatig na mahiwagang kapangyarihan, kasama rito ang:
- Kabal (o kunat) - agimat na diumano’y ginagawang di-masugatan at di-mahiwaan ng tabak ang balat.
- Pamako - agimat na sinasabing nagpaparalisado ng kalaban
- Tagabulag - agimat na diumano’y nagiging ditahaw ang nagsusuot
- Tagaliwas - agimat na sinasabing nagpapalihis ng mga bala.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Tagalog-English Dictionary by Leo James English, Congregation of the Most Holy Redeemer, Manila, distributed by National Book Store, 1583 pages,
- ↑ Karnow, Stanley. In Our Image: America’s Empire in the Philippines, Ballantine Books, Random House, Inc., March 3, 1990, 536 pages, ISBN 0-345-32816-7
- ↑ IMDB Information: Nardong Putik