Agosto 2013 - Kaguluhan sa Ehipto
Noong Agosto 14, 2013, naglunsad ang pwersang militar ng Ehipto ng paglusob laban sa dalawang grupo ng mga raliyista na taga-suporta ni dating Pangulong Mohamed Morsi. Nagdeklara ng katayuan ng kagipitan ang bansa at takdang oras ng pagbabawal sa maraming lugar. Sa ulat ng Ministro ng Kalusugan ng Ehipto, umabot na sa 525 ang namatay at 3,717 ang sugatan noong Agosto 15, 2013. [1] [2][3]
Kasaysayan
baguhinKasunod ng Rebolusyon ng Ehipto noong 2012, nagkaroon ng kawalang-tatag ang gobyerno ng Ehipto dahil sa pag papatalsik sa puwesto kay Pangulong Mohamed Morsi noong Hulyo 2013, libo-libong taga-suporta ni Morsi, kasama ang kanilang mga pamilya ang nag protesta at nanawagan na ibalik sa puwesto ang napaalis na pangulo.[2][4] Nanatiling mapayapa ang mga raliyista at kasalukuyang gobyerno sa loob ng 6 na linggo, habang ang panlabas at panloob na mga puwersa ay nananawagan sa lahat ng partido na magkaroon ng demokratikong solusyon.[2] Ilang beses na tinakot ng kasalukuyang gobyerno ang mga raliyista na itigil ang kanilang pag proprotesta.[5] Sa paninindigan ng gobyerno sila ay nagbigay ng palugid hanggang Agosto 14, ngunit pinabulaanan ito ng Al-Azhar, ang opisyal ng awtoridad ng Islamic sa Ehipto.[4] Ilang tulong upang lutasin ang kasalukuyang tension ang ibinigay mula sa Gulf Arab at bansa kagaya ng Estados Unidos, ngunit walang positibong resulta ang napagkasunduan.[6]
Kaguluhan
baguhinBandang 7:00 noong Agosto 14, 2013, ang pwersang pangseguridad ng Ehipto ay lumusob sa kampo ng mga raliyista sa Cairo. Ayon sa Panloob na Ministro ng Ehipto, ang orihinal na plano ay itigil at paalisin ng ligtas ang mga tao. Ngunit bandang 8:00 lalong dumami ang dalawang grupo ng raliyista kung saan kinailangang gumamit ng nakabaluting mga sasakyan, malalaking trak, mga baril at tear gas laban sa maraming tao. Karamihan sa mga raliyista ay pinagbabaril at isa ang sinunog ng buhay. Ilang mamamaril na nakatago o sniper ang nagpapaputok sa mga taong nagtatakang umalis ng kampo.[2]
Pagkatapos ng paglusob, ang National Alliance to Support Legitimac, isang grupong taga-suporta ni Morsi ay nanawagan sa lahat ng miyembro bito na lumabas sa lansangan "upang itigil ang masaker".[4] Mabilis na kumalat ang kaguluhan sa Cairo at ilang galit na Islamists ay nanira at nambato ng mga boteng may gaas sa mga pulis. Ang iba ay gumamit ng mga sandata na kung anu lang ang kanilang madampot.[2] Binarahan ng mga raliyista ang ibang daan upang walang makapaglakbay.[4] Nagmartsa patungo sa silangang Cairo ang mga taga-suporta ni Morsi at patuloy pa rin ang pamamaril ng mga pulis.[5] Ng bandang hapon ay humupa na rin ang mga tao. Nugnit kinahapunan, nagawa ng mga raliyistang maitulak ang mg apulis at makapasok sa hoospital. Ngnit patuloy pa rin ang pamamaril ng mga sniper sa mga taong nag tatangkang pumasok sa hospital. Kinagabihan ay na kontrol ng gobyerno ang natitirang kampo ng mga raliyista kung saan pinag-sisisra nila ito. Dalawampung nabubulok na bangkay ang natagpuan na may senyales ng pananakit.[2]
References
baguhin- ↑ The Associated Press. "Egypt death toll rises to 525 amid state of emergency". The Associated Press. Nakuha noong 2013-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 David D. Kirpatrick (14 Agosto 2013). "Nearly 300 Killed as Egyptian Forces Storm Camps". New York Times. Nakuha noong 14 Agosto 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Khaled Ezzelarab. "BBC News - Egypt crisis: Cairo quiet but tense as death toll rises". Bbc.co.uk. Nakuha noong 2013-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Gehad, Reem (15 Agosto 2013). "Crackdown on pro-Morsi sit-ins leaves Egypt in a state of emergency". Al-Ahram. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2013. Nakuha noong 15 Agosto 2013.
{{cite news}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Hauslohner, Abigail; Sharaf al-Hourani (14 Agosto 2013). "Scores dead in Egypt after security forces launch assault on protesters' camp". Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2013. Nakuha noong 14 Agosto 2013.
{{cite news}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cairo crackdown follows failed negotiation - Middle East". Al Jazeera English. Nakuha noong 2013-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)