Ang agraphia ay ang nakukuhang diperensiyang neurolohiko na nagsasanhi ng kawalan ng kakayahang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagsusulat, na maaaring dahil sa ilang uri ng kapansanang motor o kapansanan sa pagkilos.[1][2]

Sa ilang mga sakit sa utak, katulad ng pagdurugo na nakakapinsala sa kaliwang panig ng utak, nawawala ang kakayahang makalikha ng mga ala-ala o memorya ng mga kilos na kailangan sa pagbuo ng mga titik na nakaimbak sa utak. Sa ganitong karamdaman, ang pasyente ay hindi kusa o hindi likas na makapagsulat o kahit na mayroong nagdirikta ng isusulat. Sa kung minsan, maaaring kumopya mula sa parisan ang pasyente. Kasama ng katangiang ito, maaaring mayroon ang pasyente na kagustuhang maunawaan ang kahalagahan ng nakasulat o nakalimbag na mga salita, habang ang tunog ng mga salita ay maaaring maintindihan at maipahayag.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. De Smet HJ, Engelborghs S, Paquier PF, De Deyn PP, Mariën P (Agosto 2011). "Cerebellar-induced apraxic agraphia: a review and three new cases". Brain Cogn. 76 (3): 424–34. doi:10.1016/j.bandc.2010.12.006. PMID 21507544.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. 2.0 2.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Agraphia". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 22.