Aida Cirujales
Si Aida Brosas Cirujales, ipinanganak 5 Hunyo 1952 sa Tiwi, Albay, ay Bikolanong manunulat at dating guro sa isang pampublikong paaralan. Manunulat siya ng tigsik , rawitdawit , Balagtasan, Bikol debate, mga talumpati at liriko ng mga kanta. Kinikilala din siya bilang "Tigsik Queen" sa Camarines Sur. Siya ay kasalukuyang nakatira sa Naga, Camarines Sur at nagturo hanggang sa magretiro sa Gainza Central School.
Aida Brosas Cirujales | |
---|---|
Kapanganakan | Tiwi, Albay |
Trabaho | guro, manunulat |
Nasyonalidad | Filipino |
Etnisidad | Bikolano |
Kaurian | Tigsik |
(Mga) kilalang gawa | Tigsik (NCCA, 2008) |
Siya ay naging finalist sa Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon noong 2007. Siya ay naging manunulat ng tigsik sa Bikol Daily, sa Bicol Mail sa programang "Sa Pagtabang Sana" sa DZGE sa Canaman, Camarines Sur, rawitdawit at Bikol debate sa programang "Taragboan" sa parehong estasyon.
Siya ang nagsulat ng himno munisipal ng Gainza at librong Tigsik na inilimbag ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) noong 2008. Miyembro siya ng Sumaro Bikolnon , isang organisasyong pangkultura sa Camarines Sur.
Hanay ng mga Larawan
baguhin-
Si Cirujales noong inilabas ang kanyang librong Tanog Mo, Tanog Ko (2017) sa Raul S. Roco Library
-
Kopya ng librong Tanog Mo, Tanog Ko (2017)
-
Panayam ng TV Patrol Bicol kay Cirujales ng sa Buklat Art and Book Expo 2018 Lungsod ng Naga