Akbar ang Dakila
Si Jalaluddin Muhammad Akbar (Urdu: جلال الدین محمد اکبر Jalāl ud-Dīn Muhammad Akbar), kilala din sa tawag na Akbar ang Dakila (Akbar-e-Azam) (buong titulo: Al-Sultan al-'Azam wal Khaqan al-Mukarram, Imam-i-'Adil, Sultan ul-Islam Kaffatt ul-Anam, Amir ul-Mu'minin, Khalifat ul-Muta'ali Abu'l-Fath Jalal ud-din Muhammad Akbar I Sahib-i-Zaman, Padshah Ghazi Zillu'llah ['Arsh-Ashyani]) (23 Nobyembre 1542 – Oktubre 17 o 27 Oktubre 1605)[1][2] ay ang anak ni Nasiruddin Humayun na sinundan niyang namuno sa Imperyong Mughal mula 1556 hanggang 1605. Apo siya ni Babur na nagtatag ng dinastiyang Mughal. Pinangalanan siyang Badruddin Mohammed Akbar. Kabilugan ng buwan ang ibig sabihin ng Badruddin dahil ipinanganak siya sa gabi na bilog ang buwan. Ipinangalan siya sa kanyang lolo sa ina na si Shaikh Ali Akbar Jami. Pagkatapos ng pagdakip sa Kabul ng kanyang ama, pinalitan ang araw ng kanyang kapanganakan at pangalan upang maitaboy ang mga masasamang salamangkero.[3] Nang bisperas ng kanyang kamatayan noong 1605, lumawak ang imperyong Mughal sa halos 500 milyong akres (acres) (na dumoble sa panahon ng panunungkulan ni Akbar).
Akbar | |
---|---|
Emperador ng Indiya | |
Buong pangalan | Abu'l-Fath Jalal ud-din Muhammad Akbar I |
Mga pamagat | His Majesty Al-Sultan al-'Azam wal Khaqan al-Mukarram, Imam-i-'Adil, Sultan ul-Islam Kaffatt ul-Anam, Amir ul-Mu'minin, Khalifat ul-Muta'ali Sahib-i-Zaman, Padshah Ghazi Zillu'llah ['Arsh-Ashyani], Emperor of India |
Pinaglibingan | Bihishtabad Sikandara, Agra |
Sinundan | Humayun |
Kahalili | Jahangir |
Supling | Jahangir, 5 ibang mga anak na lalaki at 6 na anak na babae |
Bahay Maharlika | Bahay ni Timur |
Dinastiya | Mughal |
Ama | Humayun |
Ina | Nawab Hamida Banu Begum Sahiba |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Jalal-ud-din Mohammed Akbar Biography". BookRags. Nakuha noong 2008-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Akbar". The South Asian. Nakuha noong 2008-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hoyland, J.S.; Banerjee S.N. (1996). Commentary of Father Monserrate, S.J: On his journey to the court of Akbar, Asean Educational Services Published. p. 57. ISBN 8120608070.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)