Amarna

(Idinirekta mula sa Akhetaten)

Ang Amarna (Arabe: العمارنةal-‘amārnä), na karaniwang nakilala bilang el-Amarna at bilang ang maling katawagan na Tell el-Amarna (Arabe: العمارنة‎ al-‘amārnah), ay isang malawak na pook na pang-arkeolohiya sa Ehipto na kumakatawan sa mga labi o mga guho ng kabiserang lungsod na inilunsad at itinayo ng paraon na si Akhenaten ng kahulihan ng ika-18 dinastiya ng Ehipto (sirka 1353 BC), at kaagad na nilisan at pinabayaan pagdaka.[1] Ang pangalan para sa lungsod na ginagamit ng sinaunang mga Ehipsiyo ay nakasulat bilang Akhetaten (o Akhetaton — sari-sari ang mga transliterasyon), partikular na sa wikang Ingles. Ang Akhetaten ay mayroong kahulugan na "abot-tanaw ng Aten" o "kalawakan ng Aten".[2] Ang Amarna ay nasa silangang pilapilan o pampang ng Ilog Nilo sa pangmakabagong panahon na lalawigan ng Minya sa Ehipto.

Mga sanggunianBaguhin

  1. "The Official Website of the Amarna Project". Sininop mula sa orihinal noong 8 Oktubre 2008. Nakuha noong 2008-10-01.
  2. David, Rosalie 1998. Handbook to life in Ancient Egypt. Facts on File, p. 125.

Mga kawing na panlabasBaguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.