Amarna
Ang Amarna (Arabe: العمارنة al-‘amārnä), na karaniwang nakilala bilang el-Amarna at bilang ang maling katawagan na Tell el-Amarna (Arabe: العمارنة al-‘amārnah), ay isang malawak na pook na pang-arkeolohiya sa Ehipto na kumakatawan sa mga labi o mga guho ng kabiserang lungsod na inilunsad at itinayo ng paraon na si Akhenaten ng kahulihan ng ika-18 dinastiya ng Ehipto (sirka 1353 BC), at kaagad na nilisan at pinabayaan pagdaka.[1] Ang pangalan para sa lungsod na ginagamit ng sinaunang mga Ehipsiyo ay nakasulat bilang Akhetaten (o Akhetaton — sari-sari ang mga transliterasyon), partikular na sa wikang Ingles. Ang Akhetaten ay mayroong kahulugan na "abot-tanaw ng Aten" o "kalawakan ng Aten".[2] Ang Amarna ay nasa silangang pilapilan o pampang ng Ilog Nilo sa pangmakabagong panahon na lalawigan ng Minya sa Ehipto.
Amarna ȝḫ.t-Jtn تل العمارنة | |
---|---|
archaeological site, ancient city, tell | |
Mga koordinado: 27°39′42″N 30°54′20″E / 27.661666666667°N 30.905555555556°E | |
Bansa | Ehipto |
Lokasyon | Minya Governorate, Ehipto |
Itinatag | 1346 BCE (Huliyano) |
Sona ng oras | UTC+02:00 |
Mga sanggunian
baguhinMga kawing na panlabas
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.