Ang Aki Sora (Hapones: あきそら lit. na "Si Aki at Sora") ay isang seryeng manga ng Hapon na akda at guhit ni Masahiro Itosugi. Una itong nilathala noong Setyembre 2007 ng Akita Shoten. Nagsimula ang pagserye sa ikasiyam na tomo at nagtapos sa ika-25 tomo ng magasing pang-seinen ng Akita Shoten na Champion Red Ichigo. Isang adaptasyong OVA ng Hoods Entertainment ang nilabas kaakibat ang ikatlong tomo ng manga noong Disyembre 17, 2008.[1] Isa pang adaptasyong OVA, pinamagatang Aki Sora ~Yume no Naka~ (あきそら~夢の中~ lit. na "Si Aki at Sora: Sa Panaginip") ang nilabas ng Pony Canyon sa dalawang bahagi; ang una noong Hulyo 30, 2009, at ang ikalawa noong Nobyembre 17, 2009.[2] Noong Abril 2011, hinayag ni Itosugi na magtatapos na ang paglilimbag sa tomo 1 at 3 sanhi ng bagong Batas 156 ng Tokyo na nililimitahan ang pagsasalarawan ng insesto.[3]

Aki Sora
あきそら
Manga
KuwentoMasahiro Itosugi
NaglathalaAkita Shoten
MagasinChampion Red Ichigo
DemograpikoSeinen
TakboSetyembre 2007Abril 2010
Bolyum6 (listahan)
Original video animation
DirektorTakeo Takahashi
ProdyuserMasanobu Arakawa
Masaru Nagai
IskripJukki Hanada
MusikaAkira Asano
EstudyoHoods Entertainment
Inilabas noongDisyembre 18, 2009
Haba25 minuto
Original video animation
Aki Sora ~Yume no Naka~
DirektorTakeo Takahashi
ProdyuserMasanobu Arakawa
Tatsuya Ishiguro
IskripJukki Hanada
Hideaki Koyasu
MusikaC-Clays
EstudyoHoods Entertainment
Inilabas noongHulyo 30, 2010 – Nobyembre 17, 2010
Haba25 minuto tig-isa
Bilang2 (Listahan ng episode)
 Portada ng Anime at Manga

Pahapyaw

baguhin

Mula pa noong bata siya, laging nagpapalitan ng mga salitang "Mahal kita" si Sora Aoi sa kanyang magandang ate na si Aki. Ngayon, na humuhustong gulang siya, lalong mahirap sa kanya na magpahayag ng ganitong mga damdamin, di tulad noon. Nang ipamalas sa kanya ni Aki ang damdamin niyang lagpas sa pagmamahal ng isang kapatid, napaisip si Sora tungkol sa sarili niyang damdamin para sa ate. Nang mapagtanto ang pagmamahal sa isa't isa, isinakatuparan nila ito sa lihim. Sa lipunang hindi makauunawa, dapat na nila panatilihing lihim ang kanilang pag-ibig mula sa pamilya at sa lahat ng kanilang mga kakilala. Gayunman, matutuklasan ni Sora sa kalaunan ang iba't ibang uri ng pagmamahal sa sari-saring babae na hindi tanggap ng lipunan, na magpapaalangan sa kanyang damdamin para sa ate.

Pagtanggap

baguhin

Binigyang puri ni Chris Beveridge ang OVA dahil sa "magandang disenyo ng tauhan, at sa magandang erotisismo". Dagdag pa niya, "Kahit na may katamtamang paghuhubad, walang pagpapakita ng ari sa mga naghahanap ng ganoong katangian... hindi tago ang pagtatalik, ngunit bumabadya ito sa tahasan upang makapanghikayat nang hindi lumulubos."[4]

Tingnan din

baguhin
  • A Wish of My Sister - nagdaang mangang hentai ng parehong may-akda, kung saan hawig nina Sora at Aki ang mga bida (Si Keisuke at kanyang di pinangalanang kapatid) sa itsura at pagkilos.

Sanggunian

baguhin
  1. "Aki Sora's 3rd Manga Volume to Bundle Anime DVD (Updated 2)". Anime News Network. Hulyo 11, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 3, 2014. Nakuha noong Hunyo 10, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "New Aki Sora 'Line-Crossing' OVA, Staff Confirmed". Anime News Network. Pebrero 5, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 3, 2014. Nakuha noong Disyembre 27, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "2 Aki Sora Manga Books to No Longer Be Printed After July". Anime News Network. Nobyembre 7, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 2, 2014. Nakuha noong Nobyembre 11, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Beveridge, Chris (Mayo 29, 2013). "Aki Sora Hentai Anime DVD Review". Famdom Post. Nakuha noong Disyembre 27, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing palabas

baguhin