Aklimatisasyon
Ang aklimatisasyon o aklimasyon ay ang pagkakahiyang, adaptasyon, pagkahirati, o pagkasanay sa klima at kapaligiran ng isang organismo. Sa mas malawak na paglalarawan, isa itong proseso ng pag-akma o pakikibagay ng penotipo ng isang indibidwal na organismo sa pagbabago sa kanyang kapaligiran o ekosistema, na nagpapahintulot sa kanyang makaligtas sa mga pagbabago sa temperatura, tubig, makukuhang pagkain, at iba pang mga ligalig at kadalasang kaugnay sa pampanahunang mga pagbabago sa lagay ng panahon. Nagaganap ang aklimatisasyon sa loob ng maiksing panahon (mga araw hanggang mga linggo) at nasa loob ng panahon ng buhay ng isang organismo. Maaari itong isang hiwalay na pagganap o, sa halip, maaaring kumakatawan sa bahagi ng isang paulit-ulit na yugto, katulad ng mamalyang nalalagasan ng mabigat na balahibong pangtaglamig upang magkaroon ng mas magaang na balahibong pangtag-araw. Isang mahalaga katangian ang aklimasyon para sa maraming mga organismo dahil nagpapahintulot itong umunlad o sumailalim sa ebolusyon sa paglipas ng panahon habang kasabayang nagaganap din ang mga pagbabago sa kanilang kapaligiran. Inaakma ng mga organismo ang kanilang mga katangiang morpolohikal, pang-ugali, pangkatawan, at/o biyokemikal bilang tugon sa ganitong mga pagbabagong pangkapaligiran na hinaharap nila.[1]
Ang tunay na aklimatisasyon ay isang labis na dahan-dahang proseso, at may malaking kapalit dahil kinasasangkutan ng pagkamatay ng maraming mga indibidwal na organismo. Sa pangkalahatan, kailangang ang malulusog na mga indibidwal lamang ang nararapat na lumipat sa mga lugar na may mga klimang naiiba sa pinagkapanganakan ng mga indibidwal na ito.[2]
Mga aspeto
baguhinAyon kay Rudolf Virchow may dalawang aspeto ang aklimatisasyon: ang aspetong indibidwal at ang aspetong hinggil sa lahi. Sa dalawang aspetong ito, ang kaugnay ng lahi ang pinakamahalaga. May malaking kaugnayan din sa pagmamana ng katangian ng magulang sa anak o supling ang pagiging angkop ng mga indibidwal sa isang partikular na klima. Nangangailangan ang mga indibidwal ng muling pag-aakma ng mga prosesong pisyolohikal upang maabot ang bagong mga kalagayan at sitwasyon.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ (2009) “Acclimatization Naka-arkibo 2012-03-08 sa Wayback Machine.” (n.d.) The Unabridged Hutchinson Encyclopedia, nakuha noong 5 Nobyembre 2009
- ↑ 2.0 2.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Acclimatization". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 8-9.