Akwaryong tubig-tabang
Ang akwaryong tubig-tabang o akwaryum na pantubig-tabang (Ingles: freshwater aquarium) ay isang naaaninag na lalagyan na naglalaman ng isa o kalipunan ng mga akwatikong organismo na nabubuhay sa tubig-tabang, mga halamang-tubig at mga hayop, para sa layuning pandekorasyon o maging sa pananaliksik.
Pangkalahatang paglalarawan
baguhinMaaaring mga pangmalamig o tropikal na tubig ang mga halimbawang organismo na may kakayahang mamuhay sa isang akwaryum na pantubig-tabang. Bagaman maaaring ihanda ang mga tankeng pantubig-tabang bilang isang tankeng pangkomunidad, hindi pinagsasama-sama ang mga nilalang na pangmalamig o pantropikong tubig dahil sa pundamental at lantad na kaibahan nila sa kanilang mga pangangailangan pantemperatura. Karaniwang ginagaya ng nakakulong na kapaligiran, na maaaring napapaligiran ng naaaninag na salamin - akrilikong salamin man o materyal na yari lamang sa akriliko - ang likas na tirahan ng mga nananahang mga nilikhang pantubig.[1] Mayroon ding mga korteng-bola o globular na lalagyang pang-isda, o maliit na akwaryum, na yari sa plastiko.[2]
Nagbabahay ng mga goldpis o gintong-isda at iba pang mga uri ang akwaryum na may malamig na tubig (hindi nagyeyelo) na hindi nangangailangan ng mga aparatong pampainit o nagbibigay ng init. Nakapagpapabilis o nakapagpapataas ng metabolismo ang mas mainit na mga temperatura na nakasasanhi ng pagiksi ng buhay ng mga nilalang na pantubig.[3] Para sa isang tankeng pang-isdang tropikal, nakatutulong sa pamumuhay ng mga isda ang pagpapanatili ng isang mainit na kapaligirang may temperaturang humahangga sa pagita ng 75 at 80°F (24 hanggang 27 °C).[4]
Maaaring palamutian ang mga akwaryum ng buhangin o mga bato, buhay o plastika na mga halaman, mga sangang kahoy, at sari-saring mga nabibiling mga nililok na mga bagay mula sa plastik. Pinakamaliliit sa mga akwaryum ang mga mangkok na pang-isda subalit hindi ito iminumungkahing gamiting sisidlan ng karamihan sa mga isda dahil sa kanilang labis na kaliitan.
Mga unang panahon ng akwaryum na pantubig-tabang at sobrang taba=
baguhinNoong mga unang panahon, pinaiinitan ang mga akwaryum na tropikal ng isang bukas at lantad na apoy, na sadyang mapanganib at hindi-epektibong pamamaraan ng pagbibigay-init sa isang akwaryum. Malalaki, maiingay at mahal ang halaga ng mga aparatong panala at panlinis ng tubig. Hindi rin lubhang nauunawaan pa noon ang timpla ng tubig at wala pang mga panimpla (o kondisyoner) ng tubig. Naghihirap ang mga isda dahil sa kakulangang ng masustansiyang pagkain dahil sa kawalan ng mga sari-saring buhay at tuyong pagkaing pang-isda. May maliit na bilang lamang ng mga isdang maaaring mabili o makuha para alagaan; lubhang mangilan-ngilan lamang ang mga naitala. Walang mapapagkunan ang akwarista ng mga mapagkakatiwalaan at mapanghahawakang impormasyon hinggil sa sukat ng isda, pagpapakain, pangangalaga, pag-uugali at gawi ng mga isda. Nahuhuli ang halos lahat ng mga isda mula sa kalikasan; iilan lamang ang mga napadami habang nakakulong at inaalagaan ng tao. Sa paglalakbay, mataas ang bilang ng mga namamatay na hayop, kung kaya't mataas ang halagang nagugugol para sa libangang ito. Bilang kinalabasan, para lamang sa mga mayayaman at mga nahihilig sa pag-aaral na maka-agham ang pag-aalaga ng mga oranismong tropikal, ang katawagan noon para sa pagaalaga ng mga isdang pantubig-tabang.[1]
Mga pag-uuri
baguhinPangunahing nauuri ang mga akwaryum na pantubig tabang bilang mga pangmalamig na tubig at tropikal. Hindi karaniwang nangangailangan ng aparartong nagbibigay ng init ang mga isdang ibinabahay sa mga biyotopong pangmalamig na tubig; katulad ng mga isdang pangmalamig na tubig ang mga goldpis at koi.[2] Bagaman magiging mas magalaw at aktibo ang mga isdang ito kapag nasa temperaturang 78°F (25°C), subalit pinatataas at pinabibilis naman ng temperaturang ito ang kanilang metabolismo at pinaiiksi nito ang kanilang buhay.[3] Para sa isang tropikal na tankeng pang-isda, nakapagpapainam sa buhay ng mga isda ang pagpapanatili ng init ng kapaligiran sa pagitan ng mga temperaturang 75 hanggang 80°F (24 hanggang 27 °C).[4] Maaari ring maging tankeng pang-komunidad o akwaryong panghalaman ang mga akwaryong tubig-tabang, maging pangmalamig o tropikal na tubig man ito.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 “Tropical Freshwater Aquarium Fish” (TFAF) ni Rhett Ayers Butler, 1995
- ↑ 2.0 2.1 Andrews, Chris, Dr. An Interpet Guide to Fancy Goldfish, Interpet Publishing, 2002. - ISBN 1-902389-64-6
- ↑ 3.0 3.1 Johnson, E. L., & Hess, R. E. (2006). Fancy goldfish: A complete guide to care and collecting, Weatherhill: Shambala Publications, Inc. ISBN 0-8348-0448-4
- ↑ 4.0 4.1 4.2 "Hagen, R. C. (2006). Basic aquarium guide: A guide to setting up and maintaining a beautiful aquarium. Montreal, Canada: Hagen". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-15. Nakuha noong 2008-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Akwaryong tubig-tabang sa Proyektong Bukas na Direktoryo
- Norfolk, Howard. Pagbisita ko sa Pampublikong Akwaryum na Pantubig-tabag Naka-arkibo 2007-06-25 sa Wayback Machine. sa Havana, Cuba, Aquarticles.com, Enero 2004, nakuha noong: Hunyo 22, 2007
- Pagsusubok ng tubig, bakit at paano? Naka-arkibo 2007-03-28 sa Wayback Machine.
- Isang maliit na akwaryum na pantubig-tabang na napapanatili sa pamamagitan ng enerhiyang solar
- Buhay na Bato Naka-arkibo 2008-03-03 sa Wayback Machine. mula sa Ghana para sa mga akwaryum na pantubig-tabang