Haring Arturo

(Idinirekta mula sa Alamat ni Haring Arturo)

Si Haring Arturo (Ingles: King Arthur) ay isang maalamat na hari sa mitolohiya ng Gran Britanya. Namuhay siya sa Camelot at nagmamay-ari ng isang espadang mitikal na tinatawag ng mga tao bilang Excalibur. Mayroong mga tao na namuhay si Haring Arturo sa isang yugto ng panahon magmula sa hulihan ng ika-5 daantaon magpahanggang sa kaagahan ng ika-6 na daantaon. Maaaring siya ay isang hari o isang pinuno ng mga Briton. Kung umiral siya dati, halos nakatitiyak na hindi siya isang hari. Sa paglaon, ang kaniyang kuwento ay lumawak na nadagdag ng mas marami pang mga kuwentong katulad ng ukol sa madyikerong si Merlin at ng mangangabayo o kabalyerong si Sir Lancelot. Walang sinumang nakatitiyak kung si Haring Arturo ay isa ngang tunay na tao o hindi. Mayroong ilang mga tao na nagsasabi na siya ay isang mitikal na tao, katulad ni Herkules, at mayroong ibang tao na nagsasabing siya ay isang tunay na tao na mayroong isang kuwentong mahimala.

Isang paglalarawan kay Haring Arturo na nasa unang pahina ng isang aklat.

Kabataan

baguhin

Ang ama ni Haring Arturo ay si Uther Pendragon, ngunit noong isilang siya, namatay ang ina niyang si Lady Igraine at pagkaraan ay agad na nasundan ng pagkamatay ng kaniyang ama. Ipinadala si Arturo na mamuhay sa piling ng isang kabalyero noong isa pa lamang siyang sanggol (isang tao na kaluluwal pa lamang mula sa sinapupunan ng ina). Noong lumaki na si Arturo, natagpuan niya ang isang espada na nakatuhog sa isang malaking bato. Mayroong nakapagsabi sa kaniya na ang sinumang makahihila ng espada mula sa bato ay ang siyang tunay na hari. Kaya't hinugot niya ito magmula sa bato at naging hari.

Sina Lancelot at Guinevere

baguhin

Nang mas tumanda na si Arturo, pinakasalan niya ang isang babaeng may pangalang Lady Guinevere. Namuhay nang masaya sina Haring Arturo at Guinevere sa piling ng isa't isa, hanggang sa ang isa sa pinakamahusay na mga kabalyero ni Haring Arturo, na si Sir Lancelot, ay nagpalipas ng gabi sa piling ni Lady Guinevere. Galit na galit si Haring Arturo dahil dito, subalit sa huli ay pinatawad niya ang dalawa. Humingi ng paumanhin si Lancelot dahil sa kaniyang nagawang pagkakamali at nagpasyang lisanin ang kaharian, dahil inisip niyang hindi siya karapat-dapat sa mga mata ni Haring Arturo. Nagpasya si Guinevere na lumisan din, bagaman pinayagan siyang manatili sa kaharian (katulad ni Lancelot), upang manatili sa isang bahagi ng kaharian.

Kamatayan

baguhin

Sa paglaon, nanakaw ang espadang Excalibur ni Haring Arturo, at ginamit ng magnanakaw na traydor, isang taong taksil, na mayroong pangalang Mordred. Nagtunggali sina Haring Arturo at si Mordred. Nagawa ni Mordred na masugatan at maging duguan si Haring Arturo, subalit natamaan ni Haring Arturo si Mordred. Sa huli, namatay si Mordred. Sa wakas, namatay naman si Haring Arturo dahil sa pagkawala ng napakaraming dugo, at isa sa kaniyang mga mangangabayo ang naghagis ng Excalibur sa lawa na pinanggalingan nito.

Mga aklat

baguhin

Maraming mga aklat ang naisulat patungkol kay Haring Arturo. Ang isa sa pinakakilalang mga aklat ay ang isinulat ni Sir Thomas Malory. Marami ring mga pelikulang nagawa hinggil kay Haring Arturo.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya, Panitikan at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.