Albert Sabin
Mananaliksik sa medisina
Si Albert Bruce Sabin (26 Agosto 1906 – 3 Marso 1993) ay isang Amerikanong mananaliksik na pangmedisina na higit na nakikilala dahil sa paglikha at pagkakaapaunlad ng pambibig na bakuna sa polio. Ipinanganak si Sabin sa Białystok, Imperyong Ruso (na ngayon ay Polonya) mula sa mga magulang na mga Hudyong sina Jacob at Tillie Saperstein. Noong 1922, lumipat siya at kaniyang mag-anak sa Amerika. Noong 1930, siya ay naging isang mamamayang naturalisado ng Estados Unidos at binago niya ang kaniyang apelyido upang maging Sabin.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Polonya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.