Alcuino ng York
Si Alcuino ng York (Latin: Alcuinus, Ingles: Alcuin, o Alcuin of York), o Ealhwine, na may palayaw na Albinus o Flaccus, kaya't nakikilala rin bilang Alcuinus Flaccus Albinus (dekada 730 o 740 – 19 Mayo 804), ay isang Ingles na paham, eklesiyastiko, makata, at guro mula sa York, Northumbria. Ipinanganak siya noong humigit-kumulang sa taon ng 735 at naging estudyante ni Arsobispo Ecgbert sa York. Sa paanyaya ni Charlemagne, siya ay naging isang nangungunang iskolar at guro sa korteng Carolingiano, kung saan siya ay nanatiling isang pigura noong mga dekada ng 780 at 790. Nagsulat siya ng maraming mga tratasong pangteolohiya at dogmatiko, pati na ilang mga akdang pambalarila at isang kabilangan ng mga tula. Siya ay naging isang pinuno ng mga monghe (isang abbot) sa Tours noong 796, kung saan siya nanatili hanggang sa kaniyang kamatayan. Bilang inilarawan ni Einhard sa loob ng akdang Life of Charlemagne (Buhay ni Carlomagno) bilang "Ang pinaka maalam na lalaki na matatagpuan saan man",[1] itinuring si Alcuino ng York bilang isa sa pinaka mahahalagang mga arkitekto ng Renasimiyentong Carolingiano. Kabilang sa kaniyang mga estudyante ang karamihan sa nangungunang mga intelektuwal ng panahong Carolingiano.
Alcuino ng York | |
---|---|
Kapanganakan | c. 735 |
Kamatayan | 19 Mayo 804 (may na humigit-kumulang 70) |
Trabaho | monghe, paham |
San Alcuino ng York | |
---|---|
Benerasyon sa | Simbahang Katoliko Romano Simbahang Ortodoksong Silanganin |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Einhard, Life of Charlemagne, §25.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Katolisismo at Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.