Papa Alejandro VI

(Idinirekta mula sa Alejandro VI)

Si Papa Alejandro VI o Alexander Sextus na ipinanganak na Rodrigo Llançol i de Borja (Espanyol na Kastilyano: Rodrigo Lanzol; 1 Enero 1431, Xàtiva, Kaharian ng Valencia – 18 Agosto 1503, Roma, Mga Estado ng Papa) ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1492 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1503. Siya ang isa sa mga pinakakontrobersiyal na papa ng Renasimiyento, sa isang parte dahil kinilala niya na nagkaroon siya ng maraming anak sa iba-ibang babae. Sa gayong dahilan, ang kaniyang Italyanisadong apelyido na Borgia ay naging katawagan para sa libertinismo at nepotismo na tradisyonal na itinuturing na naglalarawan sa kaniyang pagkapapa. Gayon pa man, dalawa sa kaniyang kahalili na sina, Sixtus V at Urban VIII, ang naglarawan sa kaniyang bílang isa sa mga pinakamahusay na papa buhat noong panahon ni San Pedro.

Alexander VI
Nagsimula ang pagka-Papa11 August 1492
Nagtapos ang pagka-Papa18 August 1503
HinalinhanInnocent VIII
KahaliliPius III
Mga orden
Ordinasyon1468[1]
Konsekrasyon30 October 1471
Naging Kardinal17 September 1456 (cardinal deacon)
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanRoderic Llançol i de Borja (Rodrigo Borgia)
Kapanganakan1 Enero 1431(1431-01-01)
Xàtiva, Kingdom of Valencia, Crown of Aragon
Yumao18 Agosto 1503(1503-08-18) (edad 72)
Rome, Papal States
PagkakalibingSanta Maria in Monserrato degli Spagnoli, Rome
KabansaanAragonese
Mga magulangJofré Llançol i Escrivà
Isabel de Borja
Mga anakPier Luigi

Cesare
Giovanni (or Juan)
Lucrezia
Goffredo (or Gioffre, Giuffre, Jofré in Valentian)

Ottaviano.[2]

Talambuhay

baguhin

Si Rodrigo Llançol ay ipinanganak noong 1 Enero 1431 sa bayan ng Xàtiva sa Kaharian ng Valencia na isa sa mga bahagi ng Korona ng Aragon sa ngayong Espanya. Ang kaniyang mga magulan ag mga Valencianong sina Jofré Llançol i Escrivà (namatay bago ang 24 Marso 1437) at asawa nitong Aragonese at malayong pinsang si Isabel de Borja y Cavanilles (namatay noong 19 Oktubre 1468). Ang kaniyang apelyido ay isinulat na Llançol sa wikang Catalan o wikang Valenciano at Lanzol sa Espanyol na Kastilyano. Kanyang kinuha ang apelyido ng kaniyang ina na Borja noong 1455 kasunod ng pagkapapa ng kaniyang tiyuhin sa inang si Alonso de Borja (Italyanisado bilang Alfonso Borgia) bilang Papa Calixto III.[3]

Mga kerida ni Alejandro VI

baguhin

Sa maraming mga kerida o kabit ni Papa Alejandro VI, ang isa na matagal niyang kinahumalingan ay ang isang Vannozza (Giovanna) dei Cattani, na ipinanganak noong 1442 at asawa ng tatlong magkakasunod na mga asawa. Ang ugnayan ay nagsimula noong 1470 at naging ina ng apat na anak ni Alejandro VI na kinilala nito bílang kaniyang sariling mga anak: sina Giovanni na naging duke ng Gandia(ipinanganak noong 1474) at Goffredo o Giuffre (ipinanganak noong 1481 o 1482). Ang kaniyang ibang mga anak ay sina Girolama, Isabella atPedro-Luiz na hindi matiyak ang ina. Bago ang kaniyang pagkahalal bilang papa, ang pagkahumaling ni Kardinal Borgia kay Vanozza ay medyo nabawasan at kalaunan ay humantong sa isang napaka-retiradong buhay. Ang kaniyang lugar sa pagmamahal ni Kardinal Borgia ay napuno ng magandang si Giulia Farnese (Giulia Bella) asawa ng isang Orsini ngunit ang kaniyang pag-ibig sa kaniyang mga anak kay Vanozza ay nanatiling kailanman malakas at tumutukoy na paktor sa kaniyang buong karera. Sila ay pinagkalooban ni Alejandro VI ng malalaking mga halaga ng salapi at pinuri sila ng bawat karangalan. Ang kaniyang anak na si Lucrezia ay nabuhay kasama ng kaniyang kabit na si Giulia na naging ina ng kaniyang anak na babaeng si Laura noong 1492. Siya ang ninuno ng halos lahat ng mga sambahayang maharlika ng Europa na pangunahing ay ang mga nasa katimugan at kanluraning dahil sa pagiging ninuno ni Luisa de Guzmán, na asawa ni Haring John IV ng Portugal ng Sambahayan ng Braganza. Sa kasalukuyan, ang tanging pamilyang patrilinyal na Borja o Borgia(Duke ng Gandia na linyang pangninuno ng papa na diretso mula kay Juan Borja at Cattanei) ay matatagpuan sa Ecuador at Chile. Ang isa sa kaniyang mga kilalang inapo ay si Dr. Rodrigo Borja Cevallos na dating pangulo ng Ecuador.

Pagkahalal sa pagkapapa

baguhin
 
Desiderando nui, 1499

Sa kamatayan ni Papa Inocencio VIII noong Hulyo 25, 1492, ang tatlong malamang na mga kandidato para sa pagkapapa ay ang mga kardinal na si Borgia(Alejandro VI) na nakita bilang isang independiyenteng kandidato, Ascanio Sforza para sa Milanese, at Giuliano della Rovere(naging Papa Julio II) na nakita bilang isang kandidatong pro-Pranses. Naging tsismis na nagtagumpay si Borgia sa pagbili ng pinakamalaking mga boto at si Sforza sa partikular ay sinuhulan ng mga sakay ng asnong pilak.[4] Ito ay pinakita sa palabas na serye ng telebisyon na The Borgias (2011) ngunit isang hindi totoong paglalarawan kay Papa Alejandro VI. Ipinakita ni Mallett na si Borgia ay nangunguna sa simula at ang tsismis ng simoniya ay nagsimula pagkatapos ng halalan sa pagpapamahagi ng mga benepise at sina Sforza at della Rovere ay handa rin at may kakayahang manuhol gaya ng sinuman.[5] Si Johann Burchard na panginoon ng mga seremonya ng conclave at isang nangungunang pigura sa sambahayan ng papa sa ilalim ng ilang mga papa ay nagtala sa kaniyang talaarawan na ang conclave na pang-papa noong 1492 ay isang mahal na pangangampanya. Si della Rovere ay pinondohan sa halagang 200,000 gintong mga ducat ni Carlos VIII ng Pransiya at isa pang 100,000 na sinuplay ng Republika ng Genoa.[6] Si Borgia ay nahalal na papa noong Agosto 11, 1492 at kumuha ng pangalanang Alejandro VI(sanhi ng kalituhan sa katayuan ni Papa Alejandro V na hinalal ng Konseho ng Pisa). Si Giovanni di Lorenzo de' Medici (na kalaunang naging Papa Leo X) ay natsismis na matalas na bumatikos sa halalan at naglabas ng isang labis na siniping babala:

Ngayon, tayo ay nasa kapangyarihan ng isang lobo, ang pinaka-mapanagpang marahil na kailanman nakita ng mundo. At kung hindi tayo tatakas, hindi maiiwasang kanyang sisilain tayong lahat.[7]

Ito ay isang sikat na maling pagsipi. Ang aktuwal na sinabi ni Medici ay:

Tumakas, tayo ay nasa mga pagdakmal ng mundo.[8]

Sa simula ay sumunod si Papa Alejandro VI sa striktong paglalapat ng hustisya at maayos na pamahalaan. Gayunpaman, agad niyang sinimulan ang pagkakaloob sa kaniyang mga kamag-anak. Ang kaniyang anak na si Cesare Borgia bagaman may edad na 17 at isang estudyante ng Pisa ay ginawa niyang Arsobispo ng Valencia at namana ni Giovanni Borgia, ikalawang duke ng Gandia ang pagkaduke ng Gandia na pangninunong tahanan ng mga Borgia sa Espanya. Para sa Duke ng Gandia at para kay Gioffre Biorgia na kilala rin bilang Godofredo, nagmungkahi si Papa Alejandro VI na lumikha ng mga fief mula sa Mga Estado ng Papa at Kaharian ng Naples. Sa mga fief naging duke ng Gandia ay ang Cerveteri at Anguillara na kalaunang nakuha ni Virginio Orsini na puno ng pinakamakapangyarihang sambahan. Ito ang nagsanhi ng pakikipagalitan ni Fernando I ng Naples kay Papa Alejandro IV na sinalungat rin Kardinal della Rovere na ang kandidatura ay sinuportahan ni Fernando. Pinalakas ni della Rovere ang kaniyang sarili sa kaniyang obisporiko ng Ostia sa bunganga ng Tiber habang si Papa Alejandro VI ay bumubuo ng isang liga laban sa Naples(25 Abril 1493) at naghanda para sa digmaan.

Nakipag-alyansa si Fernando sa Florence, Milan, at Venice. Siya ay umapela ng tulong sa Espanya ngunit ang Espanya ay handang maging kaibigan ng kapapahan upang makamit ang pamagat ng kamakailan lang natuklasang Bagong Daigdig. Sa bull ni Papa Alejandro VI na Inter Caetera noong 4 Mayo 1493 ay kaniyang hinati ang pamagat na Espanya at Portugal sa kahabaan ng isang demarkasyong linya.

Mga sanggunian

baguhin
  1.   "Pope Alexander VI" in the 1913 Catholic Encyclopedia.
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang autogenerated2008); $2
  3. Catherine B. Avery, 1972, The New Century Italian Renaissance Encyclopedia, Appleton-Century-Crofts, ISBN 0-13-612051-2 ISBN 9780136120513 p. 189. [1]
  4. Peter de Rossa, Vicars of Christ, p.144.
  5. Mallett, M. ibid. pp123-6.
  6. Johann Burchard, Diaries 1483–1492 (translation: A.H. Matthew, London, 1910)
  7. James Reston, Dogs of God, New York, Anchor Books, 2005, p. 287.
  8. Mallett ibid. p128