Alexander Scriabin
Si Alexander Nikolayevich Scriabin (transliterasyong siyentipiko: Aleksandr Nikolajevič Skrjabin; kung minsan ang apelidong Scriabin ay nasusulat din bilang Skriabin, Skryabin, o Scriabine (partikular na sa Pranses); Ruso: Алекса́ндр Никола́евич Скря́бин; ipinanganak sa Moscow noong Enero 6, 1872 < Disyembre 25, 1871 sa Lumang Estilo ng pagpepetsa >; namatay sa Moscow noong Abril 27, 1915 < Abril 14, 1915 sa Lumang Estilo ng pagpepetsa>)[1] ay isang kumpositor at piyanistang Ruso. Nagsulat siya ng musika para sa orkestra at para sa piano. Ang kaniyang musika ay kabilang sa kahulihan ng panahong Romantiko, subalit ang kaniyang mas nasa hulihang mga akda ay may tunog na talagang moderno, at siya ay naimpluwensiyahan ng Impresyonismo. Nagkaroon siya ng ilang napaka pambihirang mga ideya hinggil sa pagsasama-sama ng lahat ng mga sining sa loob ng isang akda.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ang Britanikong manunulat ng kasaysayan na si Simon Sebag Montefiore, sa talababa bilang 62, pahina 39 ng kaniyang aklat na Stalin: The Court of the Red Tsar (2003) ay naghain ng paksa na ang karaniwang pag-aangkin na si Scriabin ay isang "pinsan" o isang "kamag-anak" ni Vyacheslav Molotov, na ipinanganak bilang Vyacheslav Mikhailovitch Skryabin. (Isinalinwika mula sa isang paglilimi ng artikulong ito na naroon sa Wikipediang Pranses.)