Alexander Selkirk
Si Alexander Selkirk (1676 – 13 Disyembre 1721), na nakikilala rin bilang Alexander Selcraig, ay isang manlalayag o mandaragat na Eskoses na nagtagal ng apat na taon at apat na buwan bilang isang palaboy ng tadhana (alibughang tao) pagkaraang mapadpad sa isang pulong walang naninirahan na nasa Timog ng Dagat Pasipiko.
Bilang isang kabataang matigas ang ulo, sumali si Selkirk sa mga ekspedisyon ng pagbubukanero na papunta sa mga Pangtimog na Dagat, kabilang na ang isang kinukumandatehan ni William Dampier, na humango ng mga probisyon sa Kapuluang Juan Fernández na malapit sa Tsile. Nahusgahan ni Selkirk na ang kaniyang sasakyang-dagat na Cinque Ports ay hindi matibay at walang katatagan sa dagat, kaya't nagpaiwan siya sa isang pulo ng kapuluang nabanggit.
Sa pagsapit ng panahon na siya ay nasagip na, naging bihasa na siya sa pangangaso at paggamit ng mga nakukuhang mga bagay na mapapakinabangan sa pulo. Nakagising ang kaniyang kuwento ng malaking pagpansin nang makabalik na siya sa Eskosya, at ang tauhang likhang-isip ni Daniel Defoe na si Robinson Crusoe ay bahagyang nakabatay kay Selkirk.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Eskosya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.