Ang Aliw Broadcasting Corporation (ABC) ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid na pag-aari ng ALC Group of Companies. Ang tanggapan nito ay matatagpuan sa 20th floor of Citystate Centre, 709 Shaw Blvd., Brgy. Oranbo, Pasig. Nagpapatakbo ang kumpanyang ito ng mga himpilan ng radyo sa buong bansa bilang Home Radio at DWIZ, pati ang ALIW Channel 23.[1][2][3][4]
Itinatag ang Aliw Broadcasting Corporation noong Mayo 12, 1991 sa pagbili ng DWIZ mula sa Manila Broadcasting Company. Ito ang magiging isa sa mga pinakapinakikinggan na himpilan sa AM sa Malawakang Maynila. Makalipas ng isang taon, pinalawig ang pagsasahimpapawid sa FM sa iba't ibang lugar sa bansa, na magiging kilala bilang Home Radio.[5]
Noong Enero 5, 2022, ibinigay ng Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon ang Channel 23 sa Aliw Broadcasting Corporation. Dating pagmamay-ari ng ABS-CBN Corporation ang nabanggit na channel na sumahimpapawid dati bilang Studio 23 and S+A. Noong Mayo 6, 2022, inilunsad ang channel bilang teleradyo ng DWIZ na kalaunan naging IZTV. Dito nagsimulang sumabak ang Aliw sa pagsasahimpapawid sa telebisyon. Noong Enero 30, 2023, mulin yan inilunsad bilang ALIW Channel 23.[6][7][8][9]
Noong Enero 30, 2023, nuling inilunsad ang mga himpilang pangrehiyon ng Home Radio bilang mga himpilang pangrehiyon ng DWIZ, na kalaunan naging DWIZ News FM.[10]
↑Celario, Eunice; Cambri, Susan (Enero 30, 2023). "Pagbabago sa DWI,Z Kaabang-abang". Filipino Mirror. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 30, 2023. Nakuha noong Enero 30, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)