Alkemilya
Ang alkemilya o Alchemilla ay isang sari ng mga yerba halamang perenyal na nasa Rosaceae, at isang bantog na halamang-damong may karaniwang tawag na Lady's mantle sa Ingles, ang lambong ng babae ("kapa ng binibini" o "mantilya ng ginang"). Mayroon itong mga 300 na uri, katutubo ang karamihan sa mga malalamig at sub-artikong rehiyon ng Europa at Asya, ngunit may ilang uri ring likas sa mga bulubundukin ng Aprika, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Karamihan sa mga uri nito ang bumubuo ng mga kumpol na may mga dahong sumisibol sa mga makakahoy na bahagi. May ilang uring may mga dahong may lobo na yumayabong mula sa isang pook o tuldok na pinagmumulan. May ilan namang mga uring nagkakaroon ng mga tila pamaypay na mga dahong may mga maliliit na ngipin sa mga dulo. Kalimitan nababalutan ng mga malalambot na mga buhok ang mga dahong abuhing-lunti o lunti lamang na humahawak ng mga patak ng tubig sa ibabaw at sa kahabaan ng mga tagiliran. Maliliit ang mga bulaklak nitong walang talulot at nagkukumpul-kumpol tuwing tag-sibol at tag-init.[5]
Alkemilya | |
---|---|
Alchemilla vulgaris | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Rosids |
Orden: | Rosales |
Pamilya: | Rosaceae |
Subtribo: | Fragariinae |
Sari: | Alchemilla L. (1753) |
Tipo ng espesye | |
A. vulgaris | |
Mga uri | |
Nasa teksto. | |
Kasingkahulugan | |
Alchimilla P. Miller, 1754 |
- Tungkol ito sa isang halaman. Huwag itong ikalito sa alkimiya.
Mga uri
baguhinIlan lamang ito sa mga uri ng alkemilya:
|
|
Sanggunian
baguhin- ↑ "Alchemilla L." Integrated Taxonomic Information System. 17 Mayo.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
at|year=
/|date=
mismatch (tulong) - ↑ Germplasm Resources Information Network (GRIN) (2008-03-03). "Genus: Alchemilla L." Taxonomy for Plants. USDA, ARS, National Genetic Resources Program, National Germplasm Resources Laboratory, Beltsville, Maryland. Inarkibo mula sa orihinal (HTML) noong 2009-01-15. Nakuha noong 2008-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Alchemilla L." (HTML). African Plants Database. South African National Biodiversity Institute, the Conservatoire et Jardin botaniques de la Ville de Genève and Tela Botanica. Nakuha noong 2008-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "46. ALCHEMILLA Linnaeus". Flora of China. efloras. 9: 388.
{{cite journal}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hawke, Richard G. "An Evaluation Study of Alchemilla" (HTML). Plant Evaluation Notes. Chicago Botanic Garden. Nakuha noong 2008-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Midyang kaugnay ng Alkemilya sa Wikimedia Commons
- Inpormasyong kaugnay ng Alkemilya mula sa Wikispecies.
- "Alchemilla L." Integrated Taxonomic Information System. 17 Mayo.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
at|year=
/|date=
mismatch (tulong)