Althaea officinalis

Ang Althaea officinalis[1], halamang marsmalo (mula sa Ingles na marshmallow) o karaniwang marsmalo ay isang uri ng yerba, na katutubo sa Aprika. Ginagamit din itong pandekorasyon. Nagmula ang pangalang botanikal nito sa Griyegong altho na may ibig sabihing "panlunas" o "pagaling". Ginagamit na ito noon pang kapanahunan ng sinaunang Ehipto. Malambot ang mga ugat itong mahusay para sa mga tisyu ng katawan. Malambot din, ngunit hindi kasinglambot ng mga ugat, ang mga dahong nagagamit bilang pampalabas ng plema at napagbibigay-ginhawa sa sistemang urinaryo o pang-ihi. Kapwa naisasangkap din sa pagluluto ang mga ugat at dahon nito. Magkakapareho sa katangian ang lahat ng nasa pamilyang malow, at may mga kakayanan sa panggagamot.[1]

Marsmalow
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
A. officinalis
Pangalang binomial
Althaea officinalis
Para sa pagkaing matamis, tingnan ang marsmalow.

Bilang halamang-gamot

baguhin

Nagagamit ang mga bulaklak bilang mga sirup na pampaalis ng plema. Mainam din ito sa mga sakit ng baga ang mga dahon, partikular na para sa bronkitis at sistitis. Samantalang nakapagpapaalis naman ng mga pamamaga o implamasyon ang mga ugat kung iniinom o kinakain sapagkat mainam para sa membranong mukosa. Mahusay din ang mga ugat para sa mga karamdamang gastritis, esopahitis, enteritis, ulser sa tiyan at bituka (peptik ulser), hiatus hernia, at mga pamamagang urinaryo. Kung gagamitin para sa panlabas na bahagi ng katawan o sa balat, pinapahid ito sa mga sugat, paso, beke, at iba pang hiwa o gasgas.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Ody, Penelope (1993). "Marshmallow, Althaea officinalis". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)