Sakit na Alzheimer

(Idinirekta mula sa Alzheimer's disease)

Ang sakit na Alzheimer, sakit ni Alzheimer, karamdamang Alzheimer, o karamdaman ni Alzheimer (Ingles: Alzheimer's disease) ay isang uri ng sakit na nagsasanhi ng ganitong mga katangian sa pasyente: pagiging malilimutin, pagkalito, pagbabago sa ugali, at kung malala na ay kinakakakitaan ng kawalan ng kontrol sa galaw ng katawan. Karaniwan ang pagkakaroon ng sakit na Alzheimer sa mga taong mayroon nang edad, kaya't itinutumbas ito kung minsan sa kalagayan ng mga taong ulyanin na. Subalit ang pagiging ulyanin ay hindi palaging dahil sa isang karamdaman na katulad ng sakit na Alzheimer, sapagkat maaaring maging bahagi ng proseso ng pagtanda ang pagkaulyanin o dahil sa atakeng serebral (ang stroke sa Ingles), na nakapagsasanhi ng demensiyang baskular. Ang sakit na Alzheimer ay hindi pa ganap na nauugnay sa pagkakamana o dahil sa lahi ng isang tao.[1]

Sakit na Alzheimer
Paghahambing ng isang normal na tumandang utak (nasa kaliwa) at ang utak ng isang tao na mayroong sakit na Alzheimer (nasa kanan). Itinuturo ang mga katangian na pampagkakaiba.
EspesyalidadNeurolohiya Edit this on Wikidata

Sa kasalukuyang panahon, wala pang lunas para sa karamdamang Alzheimer, subalit nangangailangan ang taong may sakit Alzheimer ng pangangalaga at aruga. May mga ginagawang pag-aaral hinggil sa mga gamot na maaaring balang araw ay makatulong sa paggamot ng sakit na Alzheimer.[1]

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.