Si Amala Paul ay ipinanganak noong Oktubre 26, 1991. Sya[1] ay isang artistang Indian na pangunahing lumalabas sa mga pelikulang Tamil, Malayalam at Telugu. Ginawa niya ang kanyang unang pagganap sa Malayalam film na Neelathamara noong 2009. Nanalo siya ng Tamil Nadu State Film Award para sa Pinakamahusay na Aktres para sa pagganap nya sa pelikula na may pamagat na Mynaa noong 2010. [2]

Si Amala ay pinuri sa kanyang mga papel sa mga pelikula tulad ng Deiva Thirumagal noong 2011, Kadhalil Sodhappuvadhu Yeppadi noong 2012, Run Baby Run noong 2012, Oru Indian Pranayakadha noong 2013, Thalaivaa noong 2013) Velaiilla Pattadhari noong 2014 at Mili noong 2015, kung saan nanalo siya ng Filmfare Best Actress Critics – Malyalam. Sya ay nagpatuloy sa pag arte at nakilala sa mga matatagumpay na pelikula kagaya ng Amma Kanakku noong 2016, Hebbuli noong 2017, Thiruttu Payale noong 2017, Ratsasan noong 2018, Aadai noong 2019 at The Teacher noong 2002.

  1. K., Janani (31 Oktubre 2020). "Amala Paul shares glimpse of jungle-themed birthday party. Watch video". India Today (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2020. Nakuha noong 27 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Pillai, Sreedhar (7 Disyembre 2010). "Amala, Oviya's cut throat competition". The Times of India. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hulyo 2019. Nakuha noong 7 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)