Ambrine
Ang ambrine ay ang pangalan sa Ingles ng isang gamot o preparasyon na binubuo ng paraffin, rosin at pagkit. Ipinakilala ito ni Barthe de Sandfort noong 1913. Ginagamit ito bilang panggamot sa mga paso, mga frostbite ("kagat ng lamig"), mga perniosis (pernio o chilblain), mga reklamong rayumatiko (pananakit dahil sa rayuma), mga ulser, o panakip sa isang kalatagan na mayroong patong na pamprutekta. Hindi ito nakapagdurulot ng hapdi, at (hindi tulad ng collodion) hindi ito dumirikit nang malapit sa nasirang ibabaw ng balat. Madali itong matanggal kapag nagpapalit ng panapal at ang mga katas ng sugat ay nakalalabas mula sa mga palugit o gilid ng balot ng sugat.[1]
Upang maggamit, tinutunaw ito na nakababad sa tubig, na ang pagkit na hiniwa-hiwa upang maging maliliit na mga piraso ay inilalagay sa isang tasang yari sa lata o enamel. Ang tasang iyon ay inilalagay naman sa loob ng isang kawali o bandeha o katulad na lalagyan na mayroong kaunting tubig. Ang tubig ay pinananatiling kumukulo sa loob ng sampung mga minuto, at sa panahong ito ay iniingatan na pumuslit ang tubig na papasok sa pagkit, para ang ambrine ay mailapat na maginhawa habang nasa temperaturang 140 °F hanggang 150 °F., sapagkat makakapaso ito kapag ang tubig ay pinayagang humalo sa pagkit. Gayunpaman, ang ambrine ay dapat pahintulutang lumamig bago gamitin.[1]
Idinadampi ito ambrine sa isang pinsel na yari sa buhok ng kamelyo na ibinabad sa solusyong antiseptiko at puspusang pinatuyo sa pamamagitan ng isang malinis na retaso o tela. Isang manipis na sapin ng masipsip na lanang bulak (cotton wool) ang inilalapat kapag naipahid na ang ambrine, at dapat na sumanib na palibot sa gild ng ambrine. Sa ibabaw nito ay inilalagay ang isa o dalawang patong ng gasa. Ang tapal ay hindi dapat manatili nang mahigit kaysa sa 24 na mga oras sa loob ng unang ilang mga araw, ngunit maaaring panatilihin nang 48 mga oras kapag naging kaunti na ang mga katas ng sugat.[1]
Ang mga tagagawa ng ambrine ay nagbibigay ng tubig na babaran upang maging maginhawa ang pagtunaw nito. Nagbibigay din ang mga nagmamanupaktura ng ambrine ng mga kandila ng materyal para magamit kapag maliit ang ibabaw na tatakpan.[1]