Amelia Earhart
Si Amelia Mary Earhart ( /ˈɛərhɑrt/ AIR-hart ; ay isinilang noong Hulyo 24, 1897; nawala noong Hulyo 2, 1937; at idineklarang patay noong Enero 5, 1939) ay isang Amerikanang piloto at manunulat. [2] [4] Si Earhart ang unang babaeng piloto na lumipad nang solo sa Karagatang Atlantiko. [5] Nagtakda siya ng maraming iba pang mga rekord, [3] [7] Sya ay isa sa mga unang piloto na nagsulong ng komersyal na paglalakbay sa himpapawid, nagsulat ng pinakamabentang libro tungkol sa kanyang mga karanasan sa paglipad, at naging instrumento sa pagbuo ng The Ninety-Nines, isang organisasyon para sa mga babaeng piloto. [8]
Amelia Earhart | |
---|---|
Kapanganakan | Amelia Mary Earhart 24 Hulyo 1897 Atchison, Kansas, U.S. |
Naglaho | Padron:Disappeared date and age Pacific Ocean, en route to Howland Island from Lae, New Guinea |
Katayuan | Declared dead in absentia[1] Enero 5, 1939 |
Trabaho |
|
Kilala sa | Kilala sya sa maraming rekord ng paglipad, kasama na rito ang pinaka-unang babae na nag-iisang lumipad at tumawid sa Karagatang Atlantiko. |
Asawa | George P. Putnam (k. 1931) |
Parangal | |
Website | ameliaearhart.com |
Pirma | |
Ipinanganak at lumaki sa Atchison, Kansas, at nang maglaon sa Des Moines, Iowa, si Earhart ay nagkaroon ng hilig sa pakikipagsapalaran sa murang edad, na patuloy na nakakakuha ng mga karanasan sa paglipad mula sa edad na bente. Noong 1928, si Earhart ang naging unang babaeng pasahero na tumawid sa Atlantiko sa pamamagitan ng eroplano (kasama ang piloto na si Wilmer Stultz), kung saan nakamit niya ang katanyagan dahil dito. Noong 1932, sa pag-piloto ng Lockheed Vega 5B, si Earhart ay gumawa ng walang-hintong solong transatlantic na paglipad, na naging unang babae na nakamit ang gayong tagumpay. Natanggap niya ang United States Distinguished Flying Cross para sa tagumpay na ito. [9] Noong 1935, si Earhart ay naging isang bisitang myembro ng faculty sa Purdue University bilang isang tagapayo sa aeronautical engineering at isang career counselor sa mga babaeng estudyante. Miyembro rin siya ng National Woman's Party at isang tagasuporta ng Equal Rights Amendment. [10] Kilala bilang isa sa mga pinaka-inspirasyonal na babae at Amerikana sa larangan ng paglipad mula sa huling bahagi ng 1920s sa buong 1930s, ang pamana ni Earhart ay madalas na inihambing sa tagumoay ni Charles Lindbergh, isa sa mga nauna at nagtaguyod sa larangan ng paglipad, gayundin sa kilalang tao tulad ni First Lady Eleanor Roosevelt para sa kanilang malapit na pagkakaibigan at ang pangmatagalang epekto sa isyung pang kababaihan sa panahong iyon.
- ↑ Van Pelt 2005, p. 205.
- ↑ Morey 1995.
- ↑ 3.0 3.1 Oakes 1985.
- ↑ Charles Kuralt said on CBS television program Sunday Morning, referring to Earhart: "She was a pioneer in aviation ... she led the way so that others could follow and go on to even greater achievements", further stating, "trailblazers prepare the rest of us for the future."[3]
- ↑ Pearce 1988.
- ↑ Ferdinando, Lisa. "Clinton Celebrates Pioneer Aviatrix Amelia Earhart." Naka-arkibo June 14, 2012, sa Wayback Machine. Voice of America, March 19, 2012.
- ↑ Earhart set several records, being the first woman to fly across the Atlantic, first as a passenger and later, as a solo pilot.[6]
- ↑ Lovell 1989.
- ↑ Goldstein & Dillon 1997.
- ↑ Francis, Roberta W."The History Behind the Equal Rights Amendment." equalrightsamendment.org, July 21, 2011. Retrieved: June 4, 2012.