Si Amenemhat IV, o Amenemhet IV ang paraon ng Ehipto na namuno sa pagitan ng ca. 1815 BCE at ca. 1806 BCE.[2] Siya ay naglingkod bilang isang batang kapwa-hari ni Amenemhat III[3] at kalaunang kumumpleto ng templo ni Amenemhat II sa Medinet Maadi,[4] na ang tanging buong kumpletong templong umiiral pa rin mula sa Gitnang Kaharian ng Ehipto ayon sa Ehiptologong si Zahi Hawass na Kalihim-Heneral ng Supreme Council of Antiquities (SCA).[5] Ang mga pundasyon, mga gusaling administratibo at mga granaryo ng templo at mga tirahan ay nahukay noong simulang 2006. Malamang na itinayo rin ni Amenemhat IV ang isang templo sa hilagang silangan ng Fayum sa Qasr el-Sagha. Ayon sa turin na Kanon, siya ay naghari ng 9 taon, 3 buwan at 27 araw.[6] Ang kanyang maikling paghahari ay relatibong mapayapa. Pagkatapos ng kanyang kamatayan na ang unti unting pagbagsak ng Gitnang Kaharian ng Ehipto ay pinaniniwalaang nagsimula. Siya ay namatay ng walang lalakeng tagapagmana bagaman posibleng ang dalawang mga unang pinuno ng sumunod na dinastiyang sina Sobekhotep I at Sonbef ay kanyang mga anak na lalake.[7] Siya ay hinalinhan sa trono ng kanyang kalahating kapatid na babaeng o marahil ay tiyang si Sobeknefru na naging unang babae sa loob ng mga 150 taon na namuno sa Ehipto.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Digital Egypt for Universities: Amenemhat IV Maakherure (1807/06-1798/97 BCE)
  2. Kim S. B. Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period, c.1800-1550 B.C., Museum Tusculanum Press 1997, p.185
  3. Ryholt, p.212
  4. Dieter Arnold, The Encyclopaedia of Ancient Egyptian Architecture, B.Tauris 2002, p.145
  5. "Middle East Times: Egypt finds clue to ancient temple's secret". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-15. Nakuha noong 2012-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ryholt, p.15
  7. Aidan Dodson & Dyan Hilton, The Complete Royal Families of Ancient Egypt, Thames & Hudson (2004) ISBN 0-500-05128-3, p.102