Amenhotep I
So Amenhotep I (Amenhotep at minsang binabasang Amenophis I at nangangahulugang "Si Amun ay nasihayan") (Ehipsiyo jmn-ḥtp yamānuḥātap) ang ikalawang paraon ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto. Siya ay namuno mula 1526 hanggang 1506 BCE. Siya ay ipinanganak kina Ahmose I at Ahmose-Nefertari ngunit may hindi bababa sa dalawang mga kapatid na sina lalake sina Ahmose-ankh at Ahmose Sapair. Siya ay hindi inaasahang magmana sa trono. Gayunpaman, sa isang panahon sa mga walong taon sa pagitan ng taon ng paghahari ni Ahmose I at kamatayan nito, ang kanyang maliwanag na tagapagmana sa trono ay namatay at si Amenhotep I ay naging prinsipe ng korona.[3] Siya ay namuno ng 21 taon.[1] Kanyang namana ang kaharian na nabuo ng mga pananakop pang-militar ng kanyang ama at napanatili ang pananaig sa Nubia at Deltang Nilo ngunit malamang ay hindi nagtangka na panatilihin ang kapangyarihan sa Syro-Ehipto. Kanyang ipinagpatuloy ang muling pagtatayo ng mga templong Ehipsiyo sa Hilagang Ehipto at nagpabago sa disenyo ng kompleks ng mortuaryo sa pamamagitan ng paghihiwalay ng libingan mula sa templo ng mortuaryo at naglatag ng trend na ipinagpatuloy sa buong Bagong Kaharian ng Ehipto. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, siya ay ginawang patrong diyos ng Deir el-Medina.[4]
Amenhotep I | |
---|---|
Pharaoh | |
Paghahari | 1526–1506 BC (disputed), 20 years and 7 months in Manetho[1] (18th Dynasty) |
Hinalinhan | Ahmose I |
Kahalili | Thutmose I |
Konsorte | Ahmose-Meritamon |
Anak | Amenemhat (died young), possibly Queen Ahmose |
Ama | Ahmose I |
Ina | Ahmose-Nefertari |
Namatay | 1506 or 1504 BC |
Libingan | Mummy found in Deir el-Bahri cache, but was likely originally buried in Dra' Abu el-Naga' or KV39 |