Ang amenorrhea, amenorrhoea, o amenorrhœa ay ang kawalan ng buwanang siklo ng pagreregla sa mga babaeng nasa edad na reproduktibo o maaaring magkaanak. Pisyolohikal na nagaganap ang amenorrhea bago ang pubertad, pagkaraan ng pagbabago sa buhay, at habang nagdadalangtao, nagbibigay ng laktasyon, o nag-aalaga ng sanggol. Ang masamang amenorrhea ay nagaganap sa maraming mga sakit. Kapag ang daloy ay nabigong lumitaw sa edad kung kailan ang isang babae ay umaasang darating ito, maaaring mayroong depektong konhenital o malpormasyon ng panloob na mga organong henital (pangkasarian). Ang katas o "diskarga", sa ilang mga kaso, ay maaaring malikha subalit nahahadlangang lumabas mula sa katawan dahil sa isang membranong nagsasara sa lagusan. Sa ganitong pangyayari, isang maliit na pag-oopera ang ginagawa.[1]

Ang pagdaloy ay maaaring mabigo sa paglitaw dahil sa ginaw dahil nabasa ang mga paa, dahil sa malamig na panahon isa o dalawang araw bago ang inaasahang araw ng pagdating ng regla. Maaari ring maging sanhi ng pagkabigla ng isipan, pagbabago ng tirahan (katulad ng paglipat sa ibang bayan o bansa). Nagaganap ito sa seryosong mga karamdaman, na karaniwan sa tisis (tuberkulosis, consumption) at anemia. Sa ganitong mga kaso, may pakinabang ang kalagayang ito sapagkat natitipid ang lakas ng pasyente sa pamamagitan ng pagpigil sa pasumpung-sumpong o paulit-ulit na pagkaubos ng dugo. Ang paglulunas ay nagbabagu-bago ayon sa mga sanhi, kaya't mahalaga ang pagkonsulta sa manggagamot.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Amenorrhea". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 28-29.