American Medical Association

Ang American Medical Association (AMA), literal na "Amerikanong Medikal na Asosasyon", na itinatag noong 1847 at naging inkorporado noong 1897,[3] ay ang pinaka malaking asosasyon ng mga manggagamot at mga estudyante ng medisina sa Estados Unidos.[4] Nabuo ito sa pamamagitan ng pagpupunyagi ni Nathan Smith Davis, ang "Ama ng American Medical Association". Ang unang pagpupulong ay ginanap sa Philadelphia noong 1847. Ang unang pangulo nito ay si Nathaniel Chapman (1780-1853). Naglathala ang American Medical Association ng mga journal (may tuwing ikalawang taon, buwanan at mayroong lingguhan), katulad ng Journal of the American Medical Association (buwanan), ang American Medical Directory (tuwing ikalawang taon), at ang Quarterly Cumulative Index Medicus, na nagtatala ng pangkasalukuyang mga panitikang pampanggagamot sa mundo.[5]

American Medical Association
MottoTulungan ang mga Manggagamot na Matulungan ang mga Pasyente
Pagkakabuo1847
Uriasosasyong pampropesyon
Punong tanggapanChicago, Illinois
Kinaroroonan
Kasapihip
217,490 mula noong 2011[1]
Wikang opisyal
Ingles
Pangulo
Robert M. Wah, M.D.[2]
Mahahalagang tao
Chair Barbara McAnneny, M.D. CEO & EVP James Madara, M.D.

Ang AMA ang organisadong tinig ng propesyong medikal ng Amerika, na nagpapanatili ng mataas na kalidad ng larangan ng bansa. Dahil sa likas nitong konserbatismo, gumaganap ito bilang isang kapaki-pakinabang na tagasuri ng masyadong maagang mga anunsiyo ng mga pagkakatuklas na terapeutiko. Ang punong-himpilan nito ay nasa Chicago, Illinois.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Collier R (Agosto 9, 2011). "American Medical Association membership woes continue". CMAJ. 183 (11): E713–E714. doi:10.1503/cmaj.109-3943. PMC 3153537. PMID 21746826. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.ama-assn.org/ama/pub/news/news/2014/2014-06-10-robert-wah-inaugurated-president-of-ama.page
  3. "AMA (AMA History) 1847 to 1899". American Medical Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-09. Nakuha noong 2009-02-16. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pollack, Andrew (2013-06-18). "AMA Recognizes Obesity as a Disease". New York Times. Nakuha noong 2013-07-21. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "A.M.A.". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 27-28.