Digmaang Mapanghimagsik sa Amerika
(Idinirekta mula sa American Revolutionary War)
Ang Digmaang Mapanghimagsik sa Amerika o Digmaang Rebolusyonaryo sa Amerika ay isang digmaan sa pagitan ng Dakilang Britanya at ng orihinal na Labintatlong mga Kolonya ng Britanya sa Amerika. Naganap ang digmaan mula 1775 hanggang 1783. Nagapi ng hukbo ng mga kolonya (kilala rin bilang hukbong Amerikano o hukbong kontinental), na pinamunuan ni George Washington, at ng iba pang mga heneral, ang mga hukbo ng Imperyong Britaniko. Ang mga kolonya ay naging nagsasarili o malaya, na nangangahulugang ang Imperyo ng Britanya ay wala nang kapangyarihang mangibabaw sa mga ito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.