Amerikanong Unibersidad sa Cairo
Ang Amerikanong Unibersidad sa Cairo (Ingles: The American University in Cairo, dinadaglat na AUC; Arabe: الجامعة الأمريكية بالقاهرة Al-Jame'a Al-Amerikeya Bel-Qāhira) ay isang independiyente, Ingles, pribado, at pampananaliksik na unibersidad na matatagpuan sa Cairo, Ehipto. Ang unibersidad ay nag-aalok ng pag-aaral sa estilong Amerikano sa antas undergraduate, gradwado at propesyonal.
Ang mga pumapasok sa AUC ay nagmula sa higit sa 50 bansa.[1] Ang kaguruan ng AUC ay may katangiang pandaigdigan at dibersibo na nagmula sa iba't ibang larangan gaya ng akademya, negosyo, ugnayang panlabas, pamamahayag, panitikan at iba pa mula sa Estados Unidos, Ehipto at iba pang mga bansa.
Ang AUC ay mayroong institusyonal na akreditasyon mula sa Middle States Commission on Higher Education (MSCHE).
Mga sanggunian
baguhin30°01′12″N 31°30′01″E / 30.0199°N 31.5003°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.