Ang Amoeba, na binabaybay din bilang ameba, amœba, amoebae (maramihan), amebae[1] (maramihan), o amoebas (maramihan)[2] ay isang genus ng Protozoa[3] na binubuo ng mga organismong uniselular (iisa ang selula) na walang tiyak na hugis. Sa masiglang kalagayan, ang mga ito ay palaging nagpapalit ng hugis. Ang pangalang "ameba" ay mula s Griyegong salita na ang kahulugan ay "nagbabago". Natatagpuan ang mga ito sa dagat at sa sariwang tubig. Mahalaga sila sa medisina sapagkat ang espesye ng organismong ito ay maaaring matagpuan sa katawan ng tao. Sa bulok na mga ngipin, maaaring matagpuan ang amoeba bucallis. Ang entamoeba coli ay maaaring nasa mga tae, subalit hindi nakakapagbigay ng suliranin. Ang pangunahing kahalagahan nito ay dapat itong maipagkaiba mula sa entamoeba histolytica, na sanhi ng disenteryang amebiko at ng isang amebikong abseso sa atay.[1]

Amoeba
Klasipikasyong pang-agham
Dominyo:
Cavalier-Smith 1998
Kaharian:
Cavalier-Smith 2002a, 2003a
Kalapian:
Lühe 1913 emend. Cavalier-Smith 1998
Subpilo:
Hati:
Subklase:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Amoeba

Mga espesye
  • Amoeba gorgonia Pen.
  • Amoeba limicola Rhumb.
  • Amoeba proteus Pal.
  • Amoeba vespertilio Pen.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Ameba". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 28.
  2. Ipinapakita ng sumusunod na mga sanggunian na ang mas modernong pagbabaybay na "ameba" ay naging mas karaniwan kaysa sa baybay na mayroong oe sa Ingles ng Estados Unidos. At napalitan nito ang baybay na mayroong oe (na sa katotohanan ay hindi ang orihinal na baybay sa Ingles) sa internasyunal na paggamit na pang-agham:
  3. Amoeba sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)