Amortisasyon
Ang Amortisasyon (Ingles: Amortization) ang proseso ng pagbabawas ng isang halaga sa loob ng isang panahon. Kapag ginagamit sa konteksto ng pagbili ng isang bahay, ang amortisasyon ang proseso kung saan ang prinsipal ng iyong utang (loan) ay nababawasan sa loob ng panahon ng utang. Sa bawat ginagawang pagbabayad sa mortgahe, ang isang bahagi ng kabayaran ay nilalapat tungo sa pagbabawas ng prinsipal at isa pang bahagi ay nilalapat sa pagbabayad ng interes sa utang. Ang tabla ng amortisasyon ay nagpapakita ng rasyo ng prinsipal at interes at nagpapakita kung paanong ang halagang prinsipal ng utang ay nababawasan sa loob ng panahon. Ang amortisasyon ay pangkalahatang kilala bilang depresiasyon ng mga hindi mahahawakang asset ng isang negosyo.
Mga aplikasyon ng amortisasyon
baguhin- Amortisasyon (negosyo), ang paglalaan ng isang isang kabayarang halaga sa iba't ibang mga yugto ng panahon partikular na para sa mga utang at iba pang mga anyo ng pinansia kabilang ang kaugnay na interes o iba pang mga kabayarang pinansiya.
- Skedyul ng amortisasyon, isang tabla na nagdedetalye ng bawat periodikong kabayaran sa isang utang(na karaniwan ay mortgahe) gaya ng nililikha ng isang kalkulador ng amortisasyon
- Negatibong amortisasyon, isang skedyul ng amortisason kung saan ang halaga ng utang ay aktuwal na tumataas sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng buong interes.
- Analisis na amortisasdo, pag-aanalisa ng gastos ng eksekusyon ng mga algoritmo sa loob ng isang sekwensiya ng mga operasyon.
- Ang amortisasyon ng mga gastos ng kapital ng ilang mga asset sa ilalim ng mga patakaran ng akawnting partikular na ang mga hindi mahahawakang asset sa paraang maihahalintulad sa depresiasyon
- Nag-aamortisang utang
- Amortisasyon (batas ng buwis)
Ang amortisasyon ay ginagamit rin sa konteksto ng pagsosona at naglalarawan ng panahon kung saan ang isang may-ari ng ari-arian ay dapat umayon o lumipat kung ang paggamit ng ari arian ay bumubuo sa isang preeksistenteng hindi umaayong paggamit sa ilalim ng inamendiyahang mga regulasyon ng pagsosona.