Amyntas II

(Idinirekta mula sa Amyntas II of Macedon)

Si Amyntas II o Amintas II (Griyego: Ἀμύντας Βʹ; ang pangalang "Amyntas" ay ang pangalan ng ilang tanyag na mga lalaking Griyego at Helenistiko, na hinango magmula sa Griyegong "amyntor" na may kahulugang "tagapagtanggol") o si Amyntas na Maliit ay ang hari ng Macedon na lalaking anak ni Philip o Menelaus, na kapatid na lalaki ni Perdiccas II. (Thuc. ii. 95.) Humalili siya sa kaniyang ama sa kaniyang puwesto at lupain na nasa Pang-itaas na Masedonya, na tila ipinagkait ni Perdicass II sa kaniya, dahil sa dating nagsikap siya na bunuin ang pagkuha nito magmula kay Philip, subalit nahadlangan ng mga Atenyano.

Noong 429 BC, sa tulong ni Sitalces na hari ng mga Tracianong Odrysiano, tinangka ni Amyntas II na kuhanin ang trono ng Masedonya magmula kay Perdiccas II; subalit nakipagkasundo si Perdiccas II, sa pamamagitan ng pamamagitan ni Seuthes na pamangking ng haring Traciano (Thuc. ii. 101), upang makamit ang kapayapaan; kung kaya't si Amyntas II ay napilitang makuntento sa kaniyang namanang prinsipalidad.

Mga sanggunian

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.