Amyotrophic lateral sclerosis
Ang amyotrophic lateral sclerosis o ALS at tinatawag ring sakit ni Lou Gehrig ay isang anyo ng sakit ng motor na neuron na sanhi ng dehenerasyon o pagkamatay ng mga neuron na matatagpuan sa bentral na sungay ng kordong espinal at ng kortikal na neuron na nagbibigay ng mga hudyat(impulse) na input. Ang kondisyong ito ay karaniwang tinatawag na "Sakit ni Lou Gehrig" sa Hilagang Amerika na ipinangalan kay Lou Gehrig na isang sikat ng manlalaro ng baseball ng koponang New York Yankees na nasuring may sakit na ito noong 1939. Ang sakit na ito ay inilalarawan ng mabilis na tuloy tuloy na paghina, pagkatuyot(atrophy), pagikli at paghihigpit(spasticity) ng masel(muscle), pagkapinsala ng pananalita(dysarthria), kahirapan sa paglunok(dysphagia) at pinsala sa sistemang respiratoryo. Ang mga tungkuling sensorya(o pandama) ay hindi apektado gayundin ang autonomikong sistemang nerbiyos at mga gawain ng mata. Ang sakit na ito ay progresibo o tuloy tuloy, nakamamatay, neurodeheneratibo na karamihan sa mga pasyente ay namamatay sa pinsala sa sistemang respiratoryo at pneumonia pagkatapos ng 2 hanggang 3 tao bagaman ang iba ay namamatay sa loob ng isang taon sa pagsimula ng mga sintomas. Sa ibang mga indibidwal, ang pagtuloy ng sakit ay mabagal at maaari pang mabuhay ng maraming mga taon.
amyotrophic lateral sclerosis (Lou Gehrig's disease) | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
ICD-10 | G12.2 |
ICD-9 | 335.20 |
OMIM | 105400 |
DiseasesDB | 29148 |
MedlinePlus | 000688 |
eMedicine | neuro/14 emerg/24 pmr/10 |
MeSH | D000690 |