Si Amytis (Griyego: Ámitys, Matandang Persa (Persian): *Umati)[1] ay isang prinseang Mediano, na anak babae ni Haring Xerxes I at ni Reyna Amestris. Siya ang kapatid na babae ni Haring Artaxerxes I. Ipinakasal siya sa maharlikang si Megabyzus. Inilarawan sina Amytis at ang kaniyang ina sa salaysay ni Ctesias bilang ang pinaka makapangyarihang mga babae noong panahon ng pamumuno ni Artaxerxes.

Noong humigit-kumulang sa 445 BC, nagsimula ang kaniyang asawang si Megabyzus ng isang matagumpay na himagsikan sa Syria laban kay Artaxerxes I. Noong una, nanatili si Amytis sa piling ng hari noong panahon ng digmaan, subalit sa pagdaka ay lumahok siya, kasama ni Amestris at ng satrap na si Artarius sa pagkakasundo ng rebelde at ng hari. Gayunpaman, muling napahiya si Megabyzus at pinalayas mula sa korte (kaharian) at ipinadala sa isang bayan na nasa Tangway ng Persiya. Pagkalipas ng limang taon ng pagpapalayas sa kaniya, pinatawad si Megabyzus at pinahuntulutang magbalik sa korte, sa muli ito ay dahil sa pamamagitan nina Amytis at Amestris.

Nagkaroon si Amytis ng dalawang mga anak na lalaki mula kay Megabyzus: sina Zopyrus II at Artyphius. Pagkaraan ng kamatayan ng kaniyang ama at ina, nagpunta si Zopyrus sa Atenas, kung saan - ayon kay Ctesias - naging mabuti ang pagtanggap sa kaniya dahil sa mga paglilingkod na nagawa ng kaniyang ina para sa mga Atenyano.[2]

Inilarawan si Amytis ng mga sangguniang Griyego bilang isang lisensiyosa o liberal. Ayon kay Ctesias, naparatang si Amytis ng pakikiapid ni Megazybus noong panahon ng pamumuno ni Xerxes. Pinatunayan pa din ni Ctesias na, pagkaraan ng kamatayan ng kaniyang asawa, nagkaroon si Amytis ng pakikipag-ugnayan sa Griyegong manggagamot na si Apollonides ng Cos, at nang matuklasan ang ugnayan ay pinahirapan si Apollonides at ipinapatay ng inang reynang si Amestris. Ayon naman sa isa pang Griyegong manunulat ng kasaysayan na si Dinon, si Amytis ay ang pinka maganda at mapagparayang (lisensiyosa) babae ng Asya. Ang pinakamahirap na hamon sa paggamit ng mga manunulat ng kasaysayan na sina Ctesias o Dinon bilang mapagkakatiwalaang mga sanggunian ay ang katotohanang may gawi silang magsulat ng kamangha-manghang mga kuwento na mas magiging nakakahikayat ng mga mambabasa nila, na kadalasang walang pagbibigay ng pansin sa kahigpitang pangkasaysayan. Ang kawalan o kakulangan ng pangunahing mga sanggunian ay nakagagawa kung gayon na imposibleng magkaroon ng isang tumpak na paglalarawan kay Amytis.[3]

Mga talababa

baguhin
  1. Schmitt 1985. Tanging ang anyong Griyego lamang ng pangalan ang nalalaman; ang anyong Persa (Persian) ay isang rekonstruksiyon o muling pagbubuo sa makabagong panahon, na ipinahihiwatig nga asterisk.
  2. "Sipi ni Photius mula sa Persica ni Ctesias". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-04. Nakuha noong 2013-02-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sancisi-Weerdenburg 1987. Ang mga akda nina Ctesias at Dinon ay isang mahalagang pauna sa "romansang" Griyego; ang isang halimbawa ng ganitong estilo ay ang Romansang Alexander.

Mga sangguniang klasikal

baguhin

Bibliyograpiya

baguhin
  • Brosius, M (1998): Women in Ancient Persia, 559-331 BC, Clarendon Press, Oxford.
  • Lendering, J: "Megabyzus (2)Naka-arkibo 2013-08-13 sa Wayback Machine.", na nasa http://www.livius.org
  • Sancisi-Weerdenburg, H (1987): "Decadence in the empire or decadence in the sources. From source to synthesis: Ctesias", na nasa H. Sancisi-Weerdenburg (patnugot), Achaemenid History I: Sources, Structures and Synthesis. Proceedings of the Groningen 1983 Achaemenid History Workshop.
  • Schmitt, R (1985): "Amytis Naka-arkibo 2007-05-18 sa Wayback Machine.", na nasa Encyclopædia Iranica vol. I.