Anacleta Villacorta-Agoncillo

Si Anacleta T. Villacorta- Agoncillo at ipinanganak sa Caniogan, Calumpit, Bulacan noong 12 Setyembre 1913. Ang kanyang ina ay si Vicenta V. Torres na taga Calumpit, Bulacan at ang kanyang ama ay si Severo R. Villacorta na taga Meycauayan, Bulacan. Maaga siyang naulila ng kanyang ina kaya naman ang kanyang ama ang lagi niyang kasama ng siya ay magsimulang mag-aral. Sa Calumpit Elementary School siya nag-aral hanggang ikapitong grado. Mataos nito ay sa Manila North High School (na ngayon ay Arellano) niya ipinagpatuloy ang pag-aaral at dito rin nagtapos. Minulat ng mga gurong Amerikano si Anacleta tungkol sa panitikan at ito ay kanyang isinapuso hanggang sa siya ay tumuntong sa Unibersidad ng Pilipinas. Bagaman hindi sang-ayon ang kanyang ama sa hilig niya sa pagsusulat, ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aakda at paggawa ng mga tula.

Si Anacleta ang bugtong na anak ng kanyang ama sa pangalawa nitong asawa kaya naman nais niyang pag-aralin ng medisina si Anacleta na siya namang hilig ng huli, tulad ng unang anak sa unang asawa. Ngunit hindi sang-ayon dito ang kapatid ni Anacleta dahil di raw umano makakatapos ng medisina dahil na rin sa rami ng manunuyo ng dalaga. Maging ang kanilang mga kababayan ay hindi naniniwalang makakatapos siya ng pag-aaral matapos siyang tanghalin bilang Miss Kalumpit. Ngunit mariing tugon ni Anacleta sa mga tao pagbubutihin pa lalo niya ang pag-aaral at anuman ang mangyari ay matatapos niya ang kurso. Naging parte ng Philippine Collegian si Anacleta dahil sa mga tula na kanyang isinusumite sa patnugot nitong si Teodoro Agoncillo. Natapos ni Anacleta ang medisina at naging manggagamot. Di naglaon ay nakaisang-dibdib niya si Teodoro na isa ng kwentista at makata noong mga panahong iyon.

Bagaman malaki ang hilig ni Anacleta sa pagsusulat ay naging mas matimbang sa kanya ang panggagamot. Ito ang naging inspirasyon niya sa kanyang mga maiikling kuwento at mababakas ang mga isyu at hirap na kanyang nakaharap sa kanyang propesyon.

Isang Yugto sa Maghapon

baguhin

Matapos ang mahabang diskusyon nilang mag-asawa kinagabihan, nagising si Chayong at nakitang nakabasta na si Teryo. Nais pa rin niyang baguhin ang isip ang asawa tungkol sa plano nitong krimen habang ikinakasal ang isang mayamang pares na dadaluhan ng maraming mayayaman at makapangyarihang tao. Iginiit ni Teryo na hindi naman pinaghirapan ng mga taong yaon ang perang kanilang ginagasta at para sa ikabubuhay ng kanilang mag-anak ang kanyang gagawin. Naiwan sa kanilang barung-barong si Chayong na nagmumuni habang pinapasuso ang anak na si Totoy. Sa kasalan, walang nakapansin kay Teryo nang siya ay dumating dahil kasabay niyang dumating ang babaing ikakasal. Kasabay nito ay nakita niya ang isang kilalang babae na ayon sa mga balita ay laging umaalis ng bansa, kaya naman ito ang naging target ni Teryo. Hindi niya nawalay sa kanyang paningin ang babae, at nang matapos ang kasalan at nagsimulang bumati ang mga bisita, dali-daling ninakaw ni Teryo ang malaking bungkos ng perang papel sa loob ng bag ng babae at mabilis na sumakay ng taxi upang makabili ng pagkain. Pagdating niya sa bahay ay agad siyang nagtimpla ng kape at gatas upang may maipainom sa kanyang asawa, ngunit anumang tawag at tapik niya rito ay hindi ito gumagalaw.

Mga Tauhan

baguhin

Mga Pangunahing Tauhan

baguhin

Mrs. Del Pilar - Siya ang pangunahing karakter sa maikling kuwento na inilarawan ng manunulat bilang isang babaeng walang masyadong tiwala sa medisina at siyensiya, at isang ina at asawa na kumakayod para sa pamilya. Doktora - Hindi binigyang-ngalan ang doktora upang ipabatid na hindi kailangang maging tiyak sa magiging hitsura ng doktora sa ating isipan habang binabasa ang kuwento bagaman ang kanyang mga kilos o galaw ay nagbigay-kulay sa karakter na ito. Isang maaalalahanin at tapat na doktorang ginagamit ang puso at isip sa kanyang propesyon upang matulugang gumaling ang kanyang mga pasyente, tulad na nga lang ni Mrs. Del Pilar.

Mga Sekondaryang Tauhan

baguhin

Walang nabanggit na sekondaryang tauhan sa kuwento maliban na lang sa walong anak ni Mrs. Del Pilar na tila hagdanan kung aayusin batay sa kanilang laki. Maaaring mahinuha na halos pantay ang pagitan ng panganganak sa walong magkakapatid.

Mga Paksa at Tema

baguhin

"Mas mabuting mag-ingat kaysa magpagamot" Sa kuwentong ito, nakita na hindi sumunod si Mrs. Del Pilar sa payo ng doktora kaya naman naiwang ulila ang kanyang mga anak. Nais iparating ng kuwento na dapat tayong matiwala sa mas subok at mas mapagkakatiwalaan kaysa naman sa ma sabi-sabing kumakalat sa bawat bayan.

"Maging mas mapanuri at mas maalam sa mga bagay sa paligid"

Mayroong parte sa kuwento kung saan naniniwala si Mrs. Del Pilar na galing sa katamaran ang sakit na beri-beri at ang paniniwalang ito ang sumisimbolo sa paurong na pag-iisip ng mga tao. Ang doktora ang ginawang instrumento ng manunulat upang mabago ang pananaw ng mga tao tungkol sa mga pangyayari sa paligid nila at upang hindi matuloy ang pag-urong ng pag-iisip ng mga tao.

Women Empowerment Makikita sa kuwento na ang doktora ay isang paraan upang lalong mabigyang-pansin ang kalakasan ng pagiging isang babae. Piniling gamitin ng awtor ang babaeng manggagamot kaysa lalaki una dahil kahawig nito ang kanyang napiling propesyon bukod sa pagsusulat, pangalawa ay upang ipakita ang kalakasan at kahinaan ng pagiging babae, at ikatlo ay upang matugunan ang pangangailangan ng mga kababaihan ng sapat na kaalaman at karunungan upang makipag-sabayan sa mundo.

Gender Roles sa Tahanan

Si Mrs. Del Pilar ang lumikha ng mas malaking kita kaysa sa kanyang asawa kaya naman mas umaasa ang pamilya sa kanya. Ipinapakita nito na ang pagkababae ni Mrs. Del Pilar ay hindi hadlang upang maging mas produktibo at matugunan ang pangangailangan ng pamilya - na hindi lamang siya maaaring makulong sa tahanan at gumawa ng gawaing-bahay kundi makapagtustos sa pangangailangan ng pamilya.

At Nagdilim Ang Umaga

baguhin

Matapos ang mahabang diskusyon nilang mag-asawa kinagabihan, nagising si Chayong at nakitang nakabasta na si Teryo. Nais pa rin niyang baguhin ang isip ang asawa tungkol sa plano nitong krimen habang ikinakasal ang isang mayamang pares na dadaluhan ng maraming mayayaman at makapangyarihang tao. Iginiit ni Teryo na hindi naman pinaghirapan ng mga taong yaon ang perang kanilang ginagasta at para sa ikabubuhay ng kanilang mag-anak ang kanyang gagawin. Naiwan sa kanilang barung-barong si Chayong na nagmumuni habang pinapasuso ang anak na si Totoy. Sa kasalan, walang nakapansin kay Teryo nang siya ay dumating dahil kasabay niyang dumating ang babaing ikakasal. Kasabay nito ay nakita niya ang isang kilalang babae na ayon sa mga balita ay laging umaalis ng bansa, kaya naman ito ang naging target ni Teryo. Hindi niya nawalay sa kanyang paningin ang babae, at nang matapos ang kasalan at nagsimulang bumati ang mga bisita, dali-daling ninakaw ni Teryo ang malaking bungkos ng perang papel sa loob ng bag ng babae at mabilis na sumakay ng taxi upang makabili ng pagkain. Pagdating niya sa bahay ay agad siyang nagtimpla ng kape at gatas upang may maipainom sa kanyang asawa, ngunit anumang tawag at tapik niya rito ay hindi ito gumagalaw.

Mga Tauhan

baguhin

Mga Pangunahing Tauhan

baguhin

Chayong - Siya ang asawa ni Teryo na ninais na baguhin ang isip ng asawa upang hindi ito mapahamak at upang hindi madamay ang kanilang mga anak sa hinaharap. Mahina na ang kanyang katawan dahil sa sakit at gutom, dagdag pa nito ang palagiang pagsipsip ng gatas ng kanyang anak na si Totoy at kawalan ng pera pampagamot. Teryo - Siya ang kabiyak ni Chayong na napilitang magnakaw mula sa isa sa mga bisita ng kasalan upang may maipantawid-gutom sa kanyang mag-anak.

Mga Sekondaryang Tauhan

baguhin

Mayamang Babae - Siya ang sikat na babaeng nalalathala sa mga pahayagan na laging labas-pasok ng bansa. Siya rin ang naging target ni Teryo dahil sa nakakasilaw niyang mga brilyante, mga alahas at ang malaking bulto ng perang papel sa kanyang bag.

Mga Paksa At Tema

baguhin

"Lahat ng bagay ay may kapallit" Mabuti man ang hangarin ni Teryo sa pagnanakaw ng pera mula sa babaeng mayamang bisita ng kasalan, hindi pa rin maikakaila na masama ang kanyang ginawa at tulad nga ng mga kinasusuklaman niyang makapangyarihan, nakuha ni Teryo ang perang pambili ng pagkain mula sa maruming gawain at hindi pinaghirapan. Bilang kapalit sa kanyang kasalanan, sinalubong siya buhat sa kaniyang pamimili ng kanyang asawang wala ng buhay habang sinisipsip ni Totoy ang tigang na suso ng kanyang ina.

Gender Roles sa Tahanan Ipinakita sa kuwento ang kumbensiyonal na paghahati ng trabaho sa buong mag-anak kung saan ang ama na si Teryo ang maghahanapbuhay upang may maipanggastos sa mag-anak, at si Chayong na ina ang mag-aalaga at magbabantay sa kanilang mga anak. Malinaw din ang pagiging dominante ng haligi sa pagpapasya ukol sa kahit anong bagay na may kinalaman sa kanilang mag-anak kaysa sa ilaw ng tahanan. Kahirapan Malaking problema ang kinaharap ng mga tauhan sa istorya dahil sa kawalan ng maayos na trabaho at kakulangan sa mabuting serbisyong pampubliko tulad ng mga pagamutang-bayan, botika at mga paaralan. Idagdag pa sa problema ng mag-anak ang hindi matatapos-tapos na isyu ng kurakot na makapangyarihan at mapanlamang na mayayaman na di man tahasang sinabi sa kuwento ay mahihinuha naman dahil sa matinding pagkagalit ni Teryo sa kanila.

Dahong-palay, Timbubuli at Bubuyog

baguhin

Umikot ang kalahati ng kuwento sa mga pagbabalik-tanaw ni Ka Tentay sa mga pag-uusap nila ng iba pang mga tauhan tungkol sa mga kakaibang pangyayari sa kanilan mga katawan. Sa bawat pakikipag-usap ay pilit na ipinapaliwanag ng manggagamot ang dahilan ng bawat sakit at ang mga maaaring maging lunas nito. Mula sa panganganak, pagkakaroon ng beri-beri, luslos, sakit sa isip at maging sa pagtatanggal ng tinik sa lalamunan ay nagawang bigyan ng kaunting paliwanag ni Ka Tentay sa kanyang mga kabaryo sa Bugyon. Ngunit biglang natigil ang kanyang pagmumunimuni ng may mapansin siyang kumpol ng mga tao at dagling kinabahan dahil baka may dudukutin na naman ang mga nagpapanggap na Hukbalahap mula sa isa sa kanila. Habang napapaisip ay lumapit sa kanya si Lusing upang sabihing kukunin sina Kuring, Kardo at Tandang Potong upang pahirapan at paaminin sa mga kasalanan nila sa buong bayan. Maraming pamilya ang galit sa kanilang tatlo dahil sila umano ang kumulam sa mga nagkaroon ng iba't ibang karamdaman sa katawan, na siya namang pinabulaanan ni Ka Tentay sa kanyang sarili. Di pa nagtagal ay agad may tumakbong lalaki mula sa tabing-ilog kung saan dinala ang tatlo at sinabing umamin na ang mag-anak matapos ibitin ang dalaga at hagupitin ang dalawang lalaki. Dagdag pa niyang sinabi na si Kuring ang may hawak ng bubuyog, so Kardo ang sa dahong-palay habang timbubuli ang kay Tandang Potong at nangako ang tatlo pagagalingin ang lahat ng may karamdaman sa kanilang lugar, na siya namang nagbigay-kirot sa puso ni Ka Tentay.

Mga Tauhan

baguhin

Mga Pangunahing Tauhan

baguhin

Ka Tentay - Siya ang pinakahindi naniniwala sa mga pamahiin at sabi-sabi sa Bugyon at laging nilalapitan ng mga tao kapag merong silang kakaibang nararamdaman sa kanilang katawan. Lubos ang pagkaawa niya sa tatlong napagbintangang mangkukulam, ngunit mas naaawa siya sa mga taga-Bugyon dahil tila hindi pa nadidilaan ng teknolohiya at pag-unlad ang liblib nilang lugar.

Mga Sekondaryang Tauhan

baguhin

Kuring - Ang dalagang anak ni Tandang Potong at umaming siya ang may hawak ng bubuyog na dahilan kung bakit "laging may bumubulong" kay Ka Atring. Dinala siya sa tabing-ilog at saka ibinitin ng patiwarik bago umamin sa kasalanang pangkukulam sa mga taong may karamdaman. Kardo - Ang lalaking anak ni Tandang Popong at umaming siya ang naghawak sa dahong-palay matapos paglalatiguhin ng maraming beses sa tabing-ilog. Inilarawan siya bilang nasa kasibulan siya ng kanyang buhay.

Tandang Popong - Siya ang pangalawang kuniha mula sa kanilang tahanan upang paaminin at parusahan ng kanilang mga kapitbahay dahil sa salang pangkukulam. Matapos hagupitin ay umaming siya ang mayhawak ng tambubuli at nangako rin na gagamutin ang mga biktima ng kanilang pangkukulam.

Lusing - Siya ang nagkuwento kay Ka Tentay tungkol sa magaganap na paghuli at pagpapaamin kina Kuring, Kardo at Tandang Potong. Inilapit niya kay Ka Tentay ang nararanasang pamamanas at mabilis na pagkapagod na daglian namang ipinaliwanag ng huli ang dahilan at lunas ng sakit niyang beriberi.

Tomas - Isa siya sa mga lumapit kay Ka Tentay upang malaman ang dahilan ng paglaki ng kanyang bayag. Muli ay ipinaliwanag ni Ka Tentay sa kanya ang ibig sabihin ng luslos at sinabi sa lalaki ang mga bagay na dapat niyang iwasang gawin, tulad ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.

Kanor - Siya ang ama ng batang naiwanan ng tinik sa lalamunan at namangha sa husay ni Ka Tentay na magtanggal ng tinik gamit ang isang pang-ipit.

Mga Paksa at Tema

baguhin

"Walang pag-unlad na matatamasa kung pulos paurong at nakakulong ang pag-iisip ng mga tao sa isang lugar" Ang mga tao sa Bugyon ay naniniwala na kagagawan ng mahika at pangkukulam ang pagkakaroon ng diperensiya ng isang tao at naniniwala si Ka Tentay na matagal pa bago mag-umaga sa bayang ito dahil sa uri ng pag-iisip ng mga tao roon at dahil sa kawalan ng maayos na daan papuntang Bugyon.

Sekswal na Pang-aabuso Hindi man ganoon katindi ang ginawa kay Kuring, masasabing sekswal na pang-aabuso pa rin ang nangyari sa kanya noong siya ay ibinitin patiwarik at hinayaang pagpyestahan ng mga mata ng mga lalaki ang kanyang katawan. Kakulangan sa Serbisyong Medikal Napagbuntungan ng sisi ang tatlo pinahirapan dahil sa kakulangan ng medikal na serbisyo't kaalaman sa lugar. Hindi madali para kay Ka Tentay ang pagpapaliwanag sa mga tao tungkol sa mga sakit na kanilang nararanasan dahil kulang din siya sa gamit at hindi pa ganoon kabukas ang isipan ng mga tao sa siyensiya.

Mga Sanggunian

baguhin
  • Agoncillo, Anacleta Villacorta.Maiikling kuwento at sanaysay ng 3 / by Anacleta Villacorta-Agoncillo, Genoveva Edroza-Matute, Liwayway A. Arceo ; Gloria Villaraza Guzman, patnugot at tagasuri.Manila : Rex Book Store, 1988.